May ilan na magigsing na lang sa IMPIYERNO sa KAHIHIYAN at POOT.
“““At marami sa kanila na ngatutulog sa alabok ng lupa ay magigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.” - Daniel 12:2.
Sila ay hahatulan, at ipadala sa dagatdagatang apoy na kahiyahiya dahil sa kanilang mga kasalanan. Sila’y mangagsidanas ng WALANG HANGGANG PAGKAPAHAMAK, habang panahon na kapootan ang kanilang kalagayan.
Marami sa kanila ay magtatapos sa dagatdagatang apoy dahil sa isang kaparehong KAMALIAN na itinuro ng maraming "relihiyosong" mga grupo ngayon na ang mapagmahal at Banal na Diyos ay HINDI kayang ipadala sinoman na magdurusa sa walang katapusan sa IMPIYERNO.
Ang KATOTOHANAN ay ang Diyos ay isusumpa niya silang mga tuwakwil kay HESUS patungo sa walang hanggang pagdurusa sa IMPIYERNO!
Ito ang punto na marami ang nakaligta. Ang Diyos ay HINDI nagpapadala ninoman sa Impiyerno. Ginawa niya ang bawat isa na may kakayahang mamili nang may kalayaan sa kaniyang sariling kapasiyahan. Kung pupunta man tayo sa Impiyerno, ito ay dahil PINILI natin na pumunta doon. Ang Bibliya ay maliwanag na nagtuturo sa daan patungo sa pintuan ng langit – ngunit ito ay nangangailangan na talikuran natin ang ating mga KASALANAN, MAGSISI, at MANALIG kay HESUS. Ang hindi mananampalataya na itinakwil ang kabayaran, ang mahal na dugo ni Hesus na dumanak, ay magtamo ng sumpa.
"Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na Panginoon natin." - MGA TAGA-ROMA 6:23
" Sapagka’t kung ipahahayag mo sa iyong bibig si Hesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang muli ng Diyos sa mga patay ay maliligtas ka." - MGA TAGA-ROMA 10:9
"Ngunit ang kasulatan ay nagtapos na ang lahat ay sumasailalim sa kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya ni Hesu Kristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya." – Mga Taga Galatia 3:22
Ang Diyos ay nagbigay sa atin ng di mabilang na oportunidad na marinig ang katotohanan ng kaniyang salita na nagpapakita sa atin sa landas tungo sa TAGUMPAY sa kamatayan. AYAW ng Diyos na IKAW ay kukuha ng biyahe papuntang Impiyerno. Nais Niya ang lahat ay darating sa pagsisisi:
"Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapaghinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi." - 2 Pedro 3:9
|