Ang iyong budhi at alaala ay magdurusa ng walang hanggang pahirap at pagsisisi sa pagsumpa mo sa iba patungong IMPIYERNO. Maaaring minahal mo ang iyong pamilya at mga kaibigan ngunit kung hindi ka NANALIG kay HESUS , at SUMUNOD sa Kaniyang salita, ikaw ay MAMATAY at pupunta sa IMPIYERNO. Ikaw ay magdurusa araw at gabi sa pagkakaalam mo na ang iyong pamilya at mga minamahal ay susunod sa iyo sa IMPIYERNO dahil:


Hindi mo sila tinuturuan tungkol kay HESUS.


Hindi mo sila pinahintulutang madala mo sa simbahan na nagtuturo ng BIBLIYA .


Tinuruan mo sila ng doktrina ng HUWAD na RELIHIYON.


"At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga mag-ibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maaari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama; Sapagka’t ako’y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila’y patotohanan niya, baka pati sila’y maparito sa dakong ito ng pagdurusa. Datapwa’t sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila’y pakinggan nila. At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapwa’t kung ang isang mula sa patay ay makaparoon sa kanila, sila’y mangagsisisi. At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan si Moises at mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa’y magbangon sa mga patay." - Lukas 16:26-31


Maalala mo ang iyong mga kasalanan at ang mga panahong tinakwil MO ang Banal na Espirito na nagpaaalala sa iyo ng iyong kasalanan at ang pangangailangan mo kay Hesu Kristo upang maging iyong Tagapagligtas. Maalala Mo kung paano na ang mga Kristiyano ay nagsabi sa IYO tungkol sa plano ng kaligtasan. Naalala mo ba nang sinabi ni Abraham sa taong mayaman sa hades “alalahanin mo”?


"Datapwa’t sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapwa’t ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan." - Lukas 16:25


SUNOD