Marami ang magtatapos na PRISO sa IMPIYERNO dahil tinanggihan nila ang katotohanan pabor sa isang "mas mabuti at mas maamo na gospel" na tinuturo ng marami ngayon. Isang minahal na kabataan ang nagtanong sa akin noong nakaraang linggo "Ang aking simbahan ay nagtuturo na ang langit ay kayang abutin sa pamamagitan ng ibat’iba at maraming kaparaanan at lahat tayo ay naglilingkod sa iisang Diyos tawagin man natin siyang Hesus, Buddha, Allah...Hindi ka ba naniniwala na ang mga pangunahing katuruan na kagaya ng sa iyo ay makitid na pag-iisip?"


HINDI HIGIT SA LAHAT ! !


Pinagbabawal ng Diyos ang pagsamba ng IBA PANG mga Diyos:


"Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. 14 Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon." - Mateo 7:13-14




Ang Diyos nagabawal sa pag-ampo sa LAIN PA nga mga diyos:


"Ikaw ay huwag magkaroon ng ibang diyos bukod sa akin." - Exodus 20:3

"Sapagka’t hindi ka sasamba sa ibang diyos: sapagka’t ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Diyos: " - Exodus 34:14


""At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang diyos, o marinig man sa inyong bibig." - Exodus 23:13


Ang ating ETERNAL na PAG-ASA para sa kaligtasan AY MAKITID dahil ang Panginoong Hesu Kristo ang nagsabi nito. Sa pamamagitan lamang kay HESU KRISTO na magkaroon ng BUHAY NA WALANG HANGGAN:

""Sapagka’t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito’y si Hesu Kristo." - 1 Corinto 3:11


"At ito ay buhay walang hanggan, upang sila ay makikilala ka na nag-iisang tunay na Diyos, at si Hesu Kristo, na pinadala mo." - Huwan 17:3


"Sinabi sa kaniya ni Hesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko." - Huwan 14:6


Kung ang iyong simbahan ay nagtuturo ng pagtanggap sa kahit ano mang kaparaanan ng iba pang mga Diyos, Ako’y nagsusumamo na alisin mo ang iyong sarili sa MALING KATURUAN bago maging huli ang lahat. Maghanap ka ng isang simbahan na nakasentro sa Bagong Tipan na Bibliya na nagtuturo ng BIBLIYA LAMANG at hindi ang paglilihis ng tao. Ang pagsunod sa daan na naiiba kay HESU KRISTO ay magbunga ng walang katapusang sumpa!


SUNOD