Sa iyong kasalukuyang buhay ay maaari kang tumatanaw lagi na matulog ng matagal sa mga Lingo ng umaga (nakakahiya ka!) sa iyong malambot na unan at higaan. Kung hindi ka pa nananalig kay HESUS na iligtas ang iyong kaluluwa, lumalaki ang puwang kada minuto na isang araw ay magising ka na lang sa IMPIYERNO! Ang IMPIYERNO ay isang lugar na WALANG kapahingaan. Ang Bibliya ay nagsasabi na ang pagdadalamhati ay araw at gabi sa buong WALANG HANGGAN...



"At ang diyablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi mapagkailan kailan man." " - Pahayag 20:10


Ang mga tao ay MAKAKAKITA, MAKAKARINIG, MAKAKARAMDAM at MAKAKAAMOY sa IMPIYERNO. Alam natin ito dahil ang mayamang tao sa Lukas 16:19-31 ay “NAKAKAKITA” kay Abraham, “NAKAKARINIG” ng kaniyang tinig, “NAKAKARAMDAM” sa nakakapasong mga apoy, naghahangad na “MATIKTIKMAN” ang tubig, at “NAKAKAAMOY” ng asupre (Pahayag 21:8).


Ang masayang balta sa mga mananampalataya ay si Hesus ay naghanda ng espesyal na lugar para sa IYO::


"""At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa’t pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog. At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka’t ang Panginoong Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Kordero ay siyang templo doon. At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka’t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos, at ang ilaw doon ay ang Kordero. At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon. At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kalian man sa araw (sapagka’t hindi magkakaroon doon ng gabi ): At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa: At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. " " - Pahayag 21:21-27


Ang IYONG PANGALAN ba ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero? Hangga’t di mo masagot ng OO na puno ng katiyakan bakit di mo bigyan kasagutan ang tanong sa makaisa at sa lahat sa pamamagitan ng PAGTITIWALA KAY HESUS NGAYON!


SUNOD