Ikaw ba’y isang tao na kinalulugdan ang kaaya-ayang naririnig? Gusto mo bang makinig ng mga alon sa kanilang paghampas sa dalampasigan o ang ingay ng ulan sa bawat pagpatak sa bubong na yero? Kagaya ng tinig ng ihip ng hangin sa mga kahoy o pag-awit ng ibong robin? O ang kasiyahang dulot ng nakaaaliw na musika?


Sa IMPIYERNO ay WALA alin man nito. Ang Bibliya ay nagsasabi na ang TANGING mga tinig na ating maririnig ay ang PAGTANGIS at PAGNGANGALIT NG MGA NGIPIN::



"Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, At siya’y babaakin , at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin." - Mateo 24:50,51


Ang Bibliya ay nagsasabi na ang Panginoon ay darating sa araw at oras na hindi natin akalain. WALANG makapagpipigil sa pagdating ng Panginoon. Ang ikalawang pagbalik ni Kristo ay nalalapit. Nawa’y hindi ka na maghintay ng mahabang panahon! Kung hindi ka pa naligtas, Ako’y nananalangin na gawin mo na NGAYON habang may panahon pa. Ang Kasulatan ay nagsasabi na ang araw ng kaligtasan ay "NGAYON":


"Sapagka’t sinabi niya, Sa panahong ukol kita’y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita’y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan:" - 2 Corinto 6:2


Gawin mo na NGAYON habang may panahon pa! Si HESUS ay naghihintay sa iyong kasagutan!


SUNOD