Yaong mga nakatakda na sa IMPIYERNO ay magdurusa sa WALANG KATAPUSANG PAGKAWALAY. Malalaman nila ang “malaking bangin” (Lukas16:26) na naghihiwalay sa kanila sa Diyos. Sa kanilang kapanahunan sa sanlibutan ay naangkin nila ang magagandang bagay ng buhay ngunit ngayon ay WALANG HANGGAN na mahiwalay sa lahat ng mabubuting kaloob ng Diyos. Malimit marinig natin ang biro na “ Hindi ako malulungkot sa impiyerno, lahat ng mga kaibigan ko ay pupunta doon.” Kanilang matutunan sa mahirap na paraan na ang pagkakaibigan ay WALANG SILBI sa mga apoy at dalamhati ng WALANG HANGGANG PAGDURUSA.

Sila’y magdurusa din sa pagkakaalam sa lubos na KAWALANG PAG-ASA ng kanilang kalagayan. Wala nang PANGALAWANG PAGKAKATAON. Ang Impiyerno na katagpuan nila sa kanilang sarili ay kanila nang walang katapusang tirahan. Silay manlulumo na sila’y manatili na doon mapagkailan man, na WALA nang pagkakataon na MAKALIGTAS. Natandaan mo ang salita ni Abraham sa taong mayaman doon sa Impiyerno?

“...ang mga mag-ibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maaari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.” - Lukas 16:26


Nawa’y kumilos ka NGAYON – NGAYON NA habang may panahon ka pa! Si Hesus ay ninanais na siya’y iyong maging Tagapagligtas at kaibigan. Halimbawa man na Siya ay iyong kaibigan na pumunta sa iyong bahay at kumatok sa iyong pintuan. At araw araw ay tinanggihan mo siyang tugunin ang kaniyang katok ...hanggang dumating ang araw na tumigil na siya sa pagpunta sa iyo. Huwag laging umayaw kay HESUS. Basahin ang Hebreo 3:7,8 na nagsasabi:


"Samakatuwid (gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na kagaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang:" - Hebreo 3:7


Gawin NGAYON ang araw na tanggapin MO si HESUS bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas!

SUNOD