Mayroon KANG mapagpilian na NINOMAN ay hindi nila maaaring gawin para sa iyo...
ATING BALIKAN ANG ATING MGA NATUTUNAN.
ANG IMPIYERNO AY:
Isang lugar na walang hanggang pagdurusa at parusa;
Isang lugar ng karumihan at mabaho;
Isang lugar ng usok at kasakitan;
Isang lugar ng walang hanggang di mamamatay na apoy;
Isang lugar ng alaala at pagsisi;
Isang lugar ng pagkauhaw at pagdadalamhati;
Isang lugar na walang hanggang pagkawalay sa Diyos;
Isang lugar ng kawalang hustisya at karumihan ng kasalanan;
Isang lugar na walang hanggang kawalang pag-asa;
Isang lugar na ikaw ay makakakita, makakarinig, makakaramdam, makakatikim at makakaamoy;
Isang lugar na makasama mo ang Diyablo at mga demonyo;
Isang lugar ng di matugunang mga pagnanasa;
Isang lugar na puno ng maggots (mga uod) na di namamatay;;
Isang lugar ng kahihiyan at poot; at
Isang lugar na ang tanging maririnig ay ang mga pananangis, pananaghoy at pangangalit ng mga ngipin.
IKAW ba’y tumanggap na kay Hesu Kristo na iyong Tagapagligtas, Nagtitiwala tanging sa KANYA lamang na ikaw ay iligtas, hindi ang iyong relihiyon o mga mabubuting gawa? Ako’y nananalangin na kung di mo pa ito nagawa, gawin mo na ito NGAYON upang makaiwas sa walang hanggang pagdurusa.
MAGAGAWA MO ITO KUNG:
1. Iyong Nabatid na IKAW AY naligaw. Ikaw ay naligaw kung hindi mo pa pinagkatiwala kay Panginoong Hesu Kristo na iyong personal na Tagapagligtas (Huwan 3:18). Ang salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na LAHAT ay nagkasala at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Romano 3:23).
2. DUMAKO Sa Diyos (Galing sa iyong puso; na may pananampalataya, at pagsisisi sa iyong mga kasalanan at kawalang paniniwala). MANINIWALA na si Hesu Kristo ay namatay sa krus bilang alay para sa atin! Kailangan mong maniwala na si Hesus ay namatay para sa IYONG mga kasalanan, at namatay bilang IYONG kahalili. Tanging si Hesus lamang ang makapagbura ng kasalanan sa iyong buhay.
3. MAGTITIWALA kay Hesu Kristo (Sa iyong puso; Magtitiwala sa Kaniya sa iyong eternal na kaluluwa; Nangangailangan at may kagustuhang tanggapin Siya bilang iyong personal na Tagapagligtas.) Hingin sa Diyos ang WALANG BAYAD NA KALOOB na Buhay na Walang Hanggan! Hingin sa Kaniya sa panalangin, sa iyong sariling mga salita, mula sa iyong puso na ikaw ay patawarin at iligtas. Sabihin ang iyong pagsisisi sa iyong mga kasalanan, at ang iyong nais sa Kaniya na patawarin ka at iligtas ang iyong kaluluwa. Kailangang ito ay totoo at mula sa pusong panalangin, hindi sa paulit ulit na mga salita na idinidikta sa iyo. LAHAT NA KAILANGAN MO LANG GAWIN AY ANG HUMINGI ! Ang Kaligtasan ay LIBRE!"At kanilang sinabi, Mananampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka," (Mga Gawa 16:30,31).
NAWA’Y GUMAWA KA NG PAGPILI:
|