Malinaw, na kung mapunta ka sa IMPIYERNO, makakasama mo si SATANAS mismo. Ang Bibliya ay nagsasabi na si SATANAS ay isinumpa patungo sa walang hanggan na pagdurusa pagkatapos na siya ay magapi sa huling malaking pakipagdigma:


""At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka, At hindi sila nanganalo; ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo, at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan: siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya." - Pahayag 12:7-9


Kung mayroon kang personal o bisnis disisyon na gagawin, ipaubaya mo ba sa salita ng SINUNGALING ang kapasiyahan na iyan? Dapat hindi ! Ikaw ba ay nanalig sa isang bagay bukod pa sa SALITA ng DIYOS upang mapakaingatan ang iyong bukas?


""...Bagkus pa nga ang Diyos ay tapat, datapuwa’t ang bawat tao ay sinungaling; gaya ng nasusulat," - Roma 3:4


Ako’y nananalangin na sinusunod mo ang Diyos dahil kung hindi, ang sinusunod mo ay si SATANAS na "Ama ng mga Kasinungalingan". .


"Kayo’y sa inyong amang diyablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay –tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang sa kaniya: sapagka’t siya’y sinungaling, at ama nito." " - Huwan 8:44






Ikaw bay’ sumusunod sa KASINUNGALINGAN? Kung hindi mo pa hiningi kay HESUS na siya’y manahan sa iyong puso, kung ganoon ay NALILIGAW ka pa at nakatakda nang pumunta sa WALANG HANGGAN na PAGDURUSA sa IMPIYERNO hangga’t di mo talikuran ang iyong kasalanan at tawagin si HESUS upang ILIGTAS KA!


SUNOD