ANG PAGKADIOS NI HESUKRISTO

Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? - – Mga Kawikaan 30:4







Habang ang mga Pariseo ay nagsamasamang nagtipon,
tinanong sila ni Jesus, na nagsasabing,
anong tingin mo kay Kristo? Kaninong Anak siya?"

Ang tanong na nilagay ng Panginoong Jesus dito sa mga Pariseo ay ang pinakapangunahing tanong ukol sa pag-iisip ng Kristiyano at pananampalataya na maaaring ilagay sa kahit na sino sa kahit anong kapanahunan. Si HesuKristo mismo ang sentro ng kristiyanismo, kaya ang pinakapangunahing mga tanong ng pananampalataya ay ang mga ukol sa Katauhan ni kristo. Kung ang isang tao ay talagang humahawak sa tamang pananaw ukol sa katauhan ni HesuKristo, siya ay maaga o mamayang makakakuha ng mga tamang pananaw sa bawat ibang tanong. Kung siya ay hahawak ng maling pananaw ukol sa Katauhan ng ating Panginoong HesuKristo, siya ay talagang sigurado na mapunta ng maaga o mamaya sa bawat ibang bagay. "Ano ang tingin mo kay Kristo?" Ito ang mahusay na pangunahing tanong; Ito ang mahalagan tanong. At ang pinakapangunahing tanong ukol sa Katauhan ni Kristo, si HesuKristo ba talaga ay Dios? Hindi basta-basta, Siya ba ay Banal, ngunit, Siya ba ay tunay na Dios?

Matalas ang isip ng Diyablo, at mandaraya, at alam niya na ang pinakamabisang paraan para magtanim ng kamalian sa isip ng hindi maingat ay ang gamitin ang luma at mahalagang salita at lagyan ng mga bagong kahulugan ang mga ito. Kaya kapag ang kanyang mga mensahero ay nagbabalat-kayo bilang mga “ministro ng pagkamakatarungan’’ naghahangad na manguna, kung maaari, iligaw ang mga pinili, ginagamit nila ang mga luma at mahalagang salita, ngunit kasama ang ganap na bago at ganap na iba at ganap na maling kahulugan. Nagsasalita sila tungkol sa Pagkabanal ni Kristo, ngunit hindi nila sinasadya lahat kung ano ang ibig sabihin ng Kristiyano sa mga dating araw.

Kaya ang ating paksa ay hindi ang Pagkabanal ni Kristo, Ngunit ang PagkaDios ni Kristo; at ang ating tanong ay hindi sa kung banal ba si Kristo, ngunit, Dios ba si Kristo? Iyang Tao na Ipinanganak sa Betlehem dalawanglibong taon na ang nakaraan, at nanirahan ng tatlongput-apat na taon dito sa mundo ayon sa nakatala sa apat na ebanghelyo ng Mateo, Marcos, Lucas, at, Juan, na Siyang ipinako sa krus ng Kalbaryo, na Siyang bumangon mula sa kamatayan sa ikatlong araw, at pumaitaas mula sa lupa patungo sa langit sa kanang kamay ng Ama; Siya ba ay Dios na nagpakita sa katawang-tao, Siya ba ay Diyos na nagkatawang-tao? Siya nga, at Siya, pagiging karapat-dapat ng ating lubos na pananampalataya at sukdulang pag-ibig at ang ating hindi-maalinlangang pagsunod at ang ating buong-pusong pagsamba. Dapat ba lahat ng tao ay kinakarangal si HesuKristo kahit na habang kinakarangal Ang Dios na Ama (Juan 5:23). Hindi lamang Siya ay isang halimbawa na maaari nating sundin, o isang Panginoon na maaari nating pagsilbihan, ngunit siya ba ay Dios na maaari nating sambahin ng makatarungan?

Karamihan sa atin ay naniniwala na Siya ay Dios na nagpakilala sa katawang-tao at na Siya and Dios ngayon sa kanang kamay ng Ama, ngunit bakit ka kaya naniniwala? Matalino ka ba talaga sa iyong pananampalataya, at samakatuwid, kaya may pinagbabatayan ka sa iyong pananampalataya na walang magaling ang bibig sa pananalita o mahilig sa katwiran, walang Saksi ni Jehovah o taong nag-aaral sa mga misteryo ng mundo, o ibang mga nagpapakalat ng mali na maaaring lituhin ka at guluhin ka at pangunahan ka para maligaw.

Malinaw tayong sinabihan sa Juan 20:31 na “Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.” Ito ay pinapatunayan mula sa mga salita ng apostol Juan na ang tanong na ito ay hindi lamang isang bagay na manila-nilay na opinyon, ngunit ito ay isang bagay na may kinalaman sa ating kaligtasan. Ito ay para magpatunay at para turuan ka sa iyong pinagpalang pananampalataya, ang nagliligtas na pananampalataya ni Kristo at ang iyong pananampalataya sa kay HesuKristo bilang isang Banal na Tao.

Mga Banal na Pangalan

Ang unang linya ng katibayan ng ganap na PagkaDios ng ating Panginoong Jesus ay maraming pangalan at pamagat ang malinaw na nagpapahiwatig na PagkaDios ay ginamit ni HesuKristo sa Bibliya.

Pahayag 1:17 "At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli," Ang salita ay malinaw na nagpapakita na ang Ating Panginoong Jesus ang nagsasalita, at dito ang ating Panginoong Jesus ay malinaw na tinatawag ang Kangyang Sarili na “ Ang Una at ang Huli.” Sa Isaias 44:6 binabasa natin, "Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.." Sa Pahayag 22:12, 13, Ang ating Panginoong Jesus ay nagsasabing siya ang Alpha at Omega. Ang mga salita niya ay, “Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa. Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas." Ngayong sa parehong aklat sa unang kabanata at sa ikawalong taludtod ang Panginoong Dios ay nagpahayag na Siya ang Alpha at Omega. Ang mga salita niya ay, “ Ako ang Alpha, at Omega, ang pasimula at ang wakas, sabi ng Panginoon, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Sa 1 Mga Taga Corinto 2:8, Ang apostol Pablo ay nagsasalita tungkol sa ating Panginoong Jesus na ipinako sa krus bilang “Panginoon ng kaluwalhatian”. Ang kangyang mga tumpak na salita ay, "Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong HesuKristo.." Walang maaring maging tanong na “Ang Panginoon ng Kaluwalhatian” ay Jehovah Dios, mababasa natin sa Awit 24:8-10, “Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan, ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka. Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. Sino itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. Selah.” At tayo ay sinabihan na sa salita ng Dios na tumutukoy na ang Panginoong HesuKristo na Ipinako sa Krus ay ang Hari ng Kaluwalhatian; samakatwid, Siya ay si Jehovah.

Sa Juan 20:28 si Tomas ay nagsalita na ang Panginoong Jesus bilang kanyang Panginoon at kanyang Dios: "Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko." Ang Mga Saksi ni Jehovah ay nagsikap para makuha ang lakas ng salita ni Tomas sa pamamagitan ng pagsabi na si Tomas ay nabigla at hindi siya nagsalita tungkol sa Panginoong Jesus, ngunit siya ay nagsabi ng “Panginoon ko at Dios ko” bilang isang pagpapahayag ng pagkamangha, katulad sa paraan ng mga taong walang galang sa pag-gamit minsan nitong bulalas ngayong araw. Ngunit itong pagpapaliwanag ay imposible at nagpapakita sa kung saan makipot na despirado ang mga Saksi ni Jehovah ay nahimok, para kay Jesus na nagpuri kay Tomas para sa pagkakita at pagsabi nito. Ang mga salita ni Jesus na agad sumunod sa mga kay Tomas ay, " Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya." (Juan 20:29 ).

Sa Tito 2:13 ang ating Panginoong Jesus ay binanggit bilang ating “dakilang Dios at ating Tagapagligtas na HesuKristo.” Sa Mga Taga Roma 9:5 si Pablo ay nagsasabi sa atin na “ sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man.” Ang mga Saksi ni Jehovah ay gumawa ng mga desperadong pagsisikap upang pagtagumpayan ang lakas nitong mga salita, ngunit ang tanging makatarungang pagsasalin at pagbibigay kahulugan ng mga salitang ito ay matatagpuan sa ating Awtorisadong Bersyon. Walang maging tapat na pagdududa sa kung sino ang pumupunta sa Bibliya upang malaman kung ano ang tunay na tinuturo, at hindi basahin ang kanyang sariling pag-iisip sa mga ito, na si Jesus ay binabanggit sa pamamagitan ng ibat-ibang mga pangalan at mga pamagat na lampas sa isang tanong na nagpapahiwatig ng PagkaDios, at na Siya ay sa maraming salita na tinatawag na Dios.

Sa Hebreo 1:8 Ito ay sinabi sa Anak, “"Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian." Kung tayo ay hindi pupunta sa malayo ito ay talagang malinaw at madalas na paulit-ulit na turo ng Bibliya na si Jesus ay talagang Dios.

Mga Banal na Katangian

Ang ibang linya ng katibayan na si HesuKristo ay Dios, isang patunay na pantay na kapani-paniwala, ay iyon ay, ang lahat na limang iba-ibang Banal na katangian ay kinikilala sa kay Hesukristo, “lahat ng kapunuan ng PagkaDios” ay sinabing naninirahan sa kanya. Ito ang mga limang malinaw na Banal na Katangian na ang Dios lamang ang nagtataglay. Ito ay mga Walang Hanggang Kapangyarihan, Karunungan sa Lahat ng Bagay, -Pagsalahat ng Dako, Kawalang-Hanggan at Kawalan ng Pagbabago. Ang bawat isa sa iba-ibang Banal na Katangian ay kinikilala kay HesuKristo.

Si HesuKristo Ay Makapangyarihan

Una sa lahat, ang makapangyarihan ay kinikilala sa kay HesuKristo. Hindi lang tayo tinuruan na si Jesus ay may kapangyarihan sa ibabaw ng mga karamdaman, at kamatayan, at mga hangin at dagat at mga demonyo, na silang lahat ay saklaw sa Kanyang mga salita, at Siya ay Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating (Efeso. 1:20-23).

Efeso 3:20 "Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,"

Felipos 3:20-21 “Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.”

Colosas 2:10 "At sa kaniya kayo'y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan:."

Pahayag 1:8 " Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat."

Pahayag 2:26-27 “At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa: At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:”

At sa Hebreo 1:2-3 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

Si HesuKristo Ay Marunong Sa Lahat Ng Bagay

Tayo ay tinuruan sa Bibliya na alam ni Jesus ang buhay ng mga tao, kahit ang kanilang tinatagong kasaysayan (Juan 4:16-19), at alam Niya ang mga tinatago sa isipan ng mga tao, kilala ang lahat ng tao, alam kung ano ang nasa tao (Marcos 2:8; Lucas 5:22; Juan 2:24, 25), kung saan sa kaalaman tayo ay malinaw na sinabihan sa 2 Cronica 6:30 at Jeremias 17:9-10, na ang Dios lang ang nagtataglay. Tayo ay sinabihan sa maraming salita sa Juan 16:30 na alam ni Jesus ang “lahat ng mga bagay,” at sa Colosas 2:3 Makikita natin na sa Kanya “kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.”

Nga kun sa diin kita maathag nga ginasilingan sa

  1. Mateo 12:25 "Alam ni Jesus ang sa kanilang mga kaisipan."
  2. Mateo 27:18 "Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.”
  3. Lucas 6:8 "Alam ni Jesus ang sa kanilang mga kaisipan.”
  4. Juan 2:24-25 "Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao, Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga niya ang isinasaloob ng tao."
  5. Juan 21:17 "At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.”
  6. Pahayagl 2:23 “At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.”

Si HesuKristo, Pati Na Sa Kangyang Banal na Katangian, Ay Nasa Lahat ng Dako

Tayo ay sinabihan sa Mateo 18:20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila. At sa Mateo 28:20 na kahit saan magpunta ang Kanyang mga masunuring alagad, kasama nila Siya, kahit hanggang sa katapusan ng sanlibutan, at sa Juan 14:20 at 2 Mga Taga Corinto 13:5 tayo ay sinabihan na Siya ay nakatira sa mga mananampalataya, sa lahat ng milyong mananampalataya na nakakalat sa ibabaw ng lupa. Sa Efeso 1:23 tayo ay sinabihan na Siya ay pumupuno sa kabuuan.

Mateo 18:20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila." Sa anumang naibigay na sandali may mga literal na libo-libong pag-aaral sa Bibliya, pulong ng panalangin, at mga serbisyo ng iglesia na isinasagawa sa buong mundo. Si HesuKristo ay nagsabi na siya ay naroroon sa bawat pagtitipon. Tanging ang Diyos lang ang maaaring maging sa libu-libong mga iba't ibang mga lugar sa parehong oras.

Mga Taga 8:10 "At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran.” ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.” Walang nilikhang nilalang, gaano man kahusay, na maaaring tumira sa milyon-milyong mga Kristiyano sa buong mundo; ito ay imposible. Ngunit ito ay hindi imposible para sa HesuKristo na siyang Diyos.

1 Mga Taga Corinto 10:4 At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo." Tuwing magsalo-salo ng Huling Hapunan ng Panginoon ang mga mananampalataya, si HesuKristo ay spiritwal na kasama nila

Pahayag 2:1 Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:" Si HesuKristo ay inilahad sa Pahayag bilang naroon Si HesuKristo ay inilahad sa Pahayag bilang naroroon sa mga eglesia at lubos na may alam sa bawat ginagawa ng eglesia sa bawat minuto.

Pahayag 3:20 "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko." Si HesuKristo ay personal na makikisama sa bawat nagsisising mananampalataya. Ito ay magiging imposible kung Siya ay tao lamang, dahil mayroong milyong Kristiyano na nakakalat sa buong mundo.

Si HesuKristo ay May Walang Hanggang Pag-iral

Tayo ay sinabihan sa Juan 1:1 na " Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Sa Juan 8:58 si Jesus mismo ang nagsabi, "Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay Ako nga." Tandaan na ang Panginoong Jesus ay hindi basta-bastang nagsabi na “Bago ipinanganak si Abraham, ay Ako nga,” ngunit ang “bago ipinanganak si Abraham, Ako Nga, “ kaya ipinapahayag niya ang Kanyang Sarili na ang walang hanggang “AKO”.

Isaias 9:6 "Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."

Juan 1:1-3 " Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya." Si HesuKristo ay umiiral sa Diyos bago ang paglikha.

Juan 8:58 "Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.” Si Jesus ay tiyak na Hindi nagsabing Siya ay umiiral sa unang nilikhang nilalang, dahil nais siyang batuhin ng mga Hudyo sa pagpakilalang Dios.

Bugna 1:8 " Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat." ( Bugna. 22:13).

Kahit sa Lumang Tipan mayroon tayong isang pahayag ng kawalang-hanggan ni Kristo na ipinanganak sa Betlehem. Sa Mica 5:2 mababasa natin, "Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” At sa Isaias 9:6 tayo ay sinabihan tungkol sa batang ipanganak , "Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.” At sa Hebreo 13:8 tayo ay sinabihan, "Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man."

Si HesuKristo Ay Hindi Nagbabago

Ang Kanyang Kawalan ng Pagbabago ay tinuro rin sa Hebreo, at sa una sa taludtod labing-isa at labing dalawa, makikita natin na habang ang langit ay nagbabago, ang Panginoong Jesus ay hindi nagbabago. Ang eksaktong salita ay mga, Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan; At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos.

Hebreo 13:8 " Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Itong talata ay tumututol sa ideya na si Jesus ay isang nilikhang nilalang. Kung si Jesus ay nilikha, Siya ay hindi katulad ng kahapon. “Kahapon” (nakaraan) ay inihahambing sa “magpakailanman” (hinaharap), at malinaw na tumutukoy sa kawalang-hanggang nakaraan.

Si Jesus ang Tagapaglikha

Ang Bibliya ay nagtuturo na ang Dios ay naglikha sa lahat ng bagay na umiiral, espirituwal man o material. "Ang Diyos na lumikha ng sanlibutan at ng lahat na narito ay ang Panginoon ng langit at lupa. Hindi siya tumitira sa mga banal na dako na ginawa ng mga kamay." (Mga Gawa 17:24). "Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha. " (Pahayag 4:11). Gayunman ang Bibliya ay nagtuturo rin na si HesuKristo ay naglikha ng lahat ng bagay. Ang ibig sabihin nito na si HesuKristo ay Dios ang pangalawang Persona ng Trinidad, ang Dios lamang na hindi nilikha ang mayroong kapangyarihan upang maglikha mula sa wala. Ang Bibliya ay nagtuturo na ang paglikha mula sa wala ay isang gawa ng may tatlong pagkakaisang Dios. Ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang Genesis 1:26 ay nagsasabing, " At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa." Ang mga sumusunod ay mga bersikulo ng Banal na Kasulatan na nagtuturo na si Kristo ay ang Tagapaglikha.

Juan 1:2-3 - "Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya."

Juan 1:10 - "Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan."

1 Mga Taga Corinto 8:6 - "Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya."

Mga Taga Colosas 1:16-17 - "Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya."

Mga Hebreo 1:2-3 - “Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;"

Mga Hebreo 2:10 " Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit."

Mga Hebreo 3:3-4 - "Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay. Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios."

Si HesuKristo ay ang Hukom ng Lahat ng Sangkatauhan

Ang Bibliya ay nagtuturo na sa huling araw nitong kapanahunan ang Dios ay hahatol sa lahat ng taong nabuhay. "Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa. " (1 Cronica 16:33). "At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa." - (Pahayag. 20:12)



Tanging ang Dios lang ang may kakayahan sa paghusga sa lahat ng tao. Alam ng Dios ang lahat samakatuwid alam niya ang bawat kilos. Siya ay makapangyarihan, at at samakatuwid kaya niyang dalhin ang Kanyang parusa. Siya ay ganap na banal at samakatuwid maaring hatulan ang bawat kasalanan ng walang kawalan ng katarungan. Tanging ang Dios na siyang moral at makatarungan sa katangian ay mayroong awtoridad na hatulan ang sangkatauhan. Gayunman ang Bibliya ay nagtuturo na hahatulan ni HesuKristo ang mundo. Si Kristo mismo ang nag-angkin ng kabuuang awtoridad at saklaw sa lahat ng sangkatauhan sa huling araw na nabibilang lamang sa Dios. Sa katunayan, ang hukuman ng Makapangyarihang Dios at ang hukuman ni HesuKristo ay isa at sa parehong upuan. Sabi ni Jesus, " Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan " (Mateo 7:22-23). Ang kapalaran ng bawat at bawat tao ay nakadepende sa Desisyon ni Kristo; Mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad upang magbigay ng parusa at magtapon ng mga tao sa impiyerno- isang awtoridad na eksklusibong nakareserba sa Dios. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sanggunian sa Bibliya na itinatag ng walang pagkakamali na si Hesukristo ay ang Hukom ng lahat ng sangkatauhan.

Ang Bibliya nagatudlo nga sa ulihi nga adlaw sa sini nga mga panag-on ang Dios magahukom sa tanan nga tawo nga nagakabuhi.

Mateo 25:31-33, 41 - " Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:"

Juan 12:48 - "Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw."

Mga Gawa 10:42 - "Iniutos niya sa amin na mangaral sa mga tao at lubos na pinagpapatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buhay at ng mga patay."

Mga Gawa 17:31 - "Ito ay sapagkat nagtakda siya ng isang araw na hahatulan niya ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking itinalaga niya. Pinatunayan niya ito sa lahat ng mga tao nang siya ay kaniyang buhayin mula sa mga patay."

Mga Taga Roma 2:16 - " Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo.”

Mga Taga Roma 14:10-12 - " Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios. Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili."

Itong bersikulo ng banal na kasulatan ay hindi lamang nagpapakita kay Kristo bilang Hukom, ngunit malinaw rin na nagtuturo na sa araw ng paghusga ang lahat ng tao ay yuyuko kay Kristo; iyan nga, lahat ng tao ay kikilalanin na si Kristo ay ang Panginoong Dios. Sa pamamagitan ng pagpakilala ng Kanyang Panipi ng Isaias 45:23 kasama ang kilalang mapropetang pormula, “Buhay ako, sabi ng Dios” ( Num. 14:28, Isa. 49:18, Jer. 22:24, Ezek. 5:11, Zep. 2:9, at iba pa), at ilagay ito kay Kristo, ang Apostol Pablo ay sinasadya at kusang tinitawag si Kristo na Jehovah. Tandaan rin na sa hukuman ni Kristo, ang bawat isa ay mananagot ng kanyang sarili sa Dios. Itong Bersikulo ay makapangyarihan at walang pagkakamaling pahayag ng PagkaDios ni Kristo.

2 Mga Taga Corinto 5:10 "Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.”

2 Kay Timoteo 4:1, 8 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita."

Sa Mga Hebreo 10:30 "Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.”



Si HesuKristo ay Sinasamba Bilang Dios




ANG PAKSA SA PAGSAMBA

Ang Salita ng Dios ay malinaw sa pagtuturo na ang YHVH ay “sambahin” ng nag-iisa (Ex. 34:14; Mga Awit. 81:9; 97:7; Mat. 4:10, Lucas 4:8; Pahayag. 19:10). Tayo ay binigyan ng halimbawa sa Salita ng Dios tungkol sa mga taong sinabihan, pinalo, o hinatulan dahil sa pagsamba:

  • Ang Paglikha (Zep. 1:5; Mga Gawa 7:42; Mga Taga Roma 1:25),
  • “mga dios” (Joshua 24; 2 Mga Hari 17; 1 Mga Taga Corinto. 8:5),
  • diyus-diyusan (Lev. 19:4; 26:1; 1 Cronica. 16:26; 2 Cronica. 34:7; 1 Mga Taga Cor. 10:14; 1 Juan. 5:21),
  • mga imahe (Ex. 20:4; Isa. 42:8, 17; 44:15; Jer. 8:19; Mga Taga Roma. 1:23; Pagayag. 16:2; 19:20),
  • “mga labi” (2 Mga Hari 18:4),
  • mateyal na bagay (Mat. 16:26; Lucas 12:20; Mga Gawa 17:29; Col. 3:5),
  • “mga santo” (Mat. 17:4; Mga Gawa 10:25-26), at kahit
  • mga anghel (Col. 2:18; pahayag. 19:10).
And sabi ng Dios, Ako si YHVH: na siyang Aking Pangalan: at ang Aking Kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba,….. Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon: sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.” Isaias 42:8 at 48:11.

Kasama ang isip, basahin ngayon ang mga sumusunod na bersikulo ng Banal na Kasulatan ukol sa kay HesuKristo

  1. (ang mga matatalinong lalaki) nakita ang bata ( bagong panganak na Jesus) kasama si Maria ang Kanyang Ina, at lumuhod, at nagsamba sa Kanya (JESUS- hindi ang Kanyang Ina!)… “ Mateo 2:11
  2. “At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.” Mateo 8:2
  3. “At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios’” Mateo 14:33
  4. “At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.” Mateo 28:9
  5. “At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.” Mateo 28:17
  6. “At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus, ay tumakbo at siya'y kaniyang sinamba;” Marcos 5:6
  7. “At siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak:” Lucas 24:52
  8. “At sinabi niya, (a ‘sinner’) Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya..” Juan 9:38
  9. “And again, when (The Father) brings in the First-begotten into the world, He says, ‘At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.” (JESUS- Awit 148:2).” Sa Mga Hebreo 1:6
  10. “Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala. At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.” Pahayag 5:12-14

Wala ng ibang paraan sa paligid dito sa katotohanan ng Banal na Kasulatan: si HesuKristo ay sinasamba. Ang sabi ng Dios hindi niya ibabahagi ang Kanyang kaluwalhatian sa “iba”. Ngunit ang mga taong tumatanggi sa PagkaDios ni Kristo ay dapat igiit na ginagawa Niya lamang ito, Dahil kung si Hesus ay sinasamba at hindi Dios, kung gayon ay binigay Niya ang Kanyang kaluwalhatian sa “iba”. Sa susunod na makikipag-usap ka sa taong nagtatanggi na si Jesus ay Dios ipakita mo sa kanila ang mga salita sa itaas na sinulat ng propetang si Isaias. Habang binabasa niya ang mga bersikulo: “ Kaibigan, mayroon ka diyan na isang malubhang problema!”

Ito ang pinakabuod ng lahat ng debate ukol sa PagkaDios ni Kristo: Siya ay Sinasamba, at iyan kasama ang Kanyang sariling pagsang-ayon at pagsang-ayon ng Ama. Siya ay madalas na sinasamba ng mga hudyo sa mga bersikulo sa itaas- mga hudyo na hindi kailanman itatanggi ang kanilang pananampalataya sa isang Dios! Gaano kalinaw ang maaaring makuha? Kung itong nag-iisang katotohanan ay ang lahat ng katibayan na mayroon ako para sa PagkaDios ni Kristo, Ako ay nasa matatag na lupa,

ANG BAGONG TIPAN

  1. “At siya'y (Maria) manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta (Isa. 7:14), na nagsasabi, “narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel,’ na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.” Mateo 1:21-23
  2. “ Narinig ninyo… Nguni Ako (JESUS) nagsasabi…(2) Mateo 5:21-22, 27-28
  3. “At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi (JESUS), Guro,….Ngunit (JESUS) nagsabi sa kanya, ‘ Bakit mo Ako tinatawag na mabuti? Walang sinumang mabuti ngunit Isa, Iyon ay, Dios.” Mato 19:16-17 (Marcos 10:18/Lucas 19:19)
  4. “Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong. Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David. (totoo- tingnan ang Mat. 1:1) Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa? (Awit 110:1) ? Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y (lamang) kaniyang anak? At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong. Mateo 22:41-45 (Marcos 12:35-37/Lucas 20:41-44)
  5. “…na sila'y inyong bautismuhan(mga alagad) sa pangalan (4) (isahan) ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Mateo 28:19
  6. “At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, ipinatatawad ang iyong mga kasalanan. Nguni't mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba, at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso, Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya'y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang?” Marcos 2:5-7
  7. “Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, na ibinabalita sa buong bayan, kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus. - Lucas. 8:39) ginawa sa kanya ... “ Marcos 5:19-20
  8. “…at ang sinomang tumanggap sa akin (JESUS), ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa aki'y nagsugo. Marcs 9:37 (Mat. 10:40; Lucas 9:48)
  9. “Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,” (Mateo 13:41 at 24:30-31), at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang. “ Marcos 13:26-27 (Lucas 18:7; Juan 15:16; Mga Taga Roma 8:33; Mga Taga Colo. 3:12; Tito 1:1)
  10. “Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling. At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin. At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.’” Lucas 17:15-18
  11. “Nang pasimula (Gen. 1:1) siya ang Verbo, (JESUS - cf. v. 14; 1 Juan 5:7; Pahayag. 19:13), at ang Verbo ay sumasa Dios (Gen. 1:26; Isa. 48:16; Juan 17:5; 1 Juan 1:1-3),
    • at ang Verbo ay Dios (1 Juan 5:20).
    • Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. (1 Mga Taga Cor. 8:6; Maga taga Efe. 3:9; Mga Taga Col. 1:15-19).
    • Nasa kaniya ang buhay (kanyang sarili - Juan. 5:26);
    • at ang buhay (Juan 14:6)
    • at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. (Juan. 8:12)
    • Nagkaroon ng tunay na ilaw (Juan. 3:19; 1 Juan. 1:5),
    • sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan. (Awit 36:9; Juan. 8:12; 9:5).
    • Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan. (1 Juan. 3:1)
    • At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (Mat. 1:23; 1 Tim. 3:16),
    • [t nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian (Isa. 40:5; Lucas 9:32),
    • kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama (Juan. 17:5)],
    • na puspos ng biyaya at katotohanan (Juan. 17:17
    • Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, , ‘Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin. (Juan 8:58).
    • Sapagka't sa kaniyang kapuspusan (Mga Taga Col. 1:19 at 2:9 ; 2 Pedro 1:3-4)
    • ay nagsitanggap tayong lahat ... Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ng bugtong na Anak , na nasa sinapupunan ng Ama (Juan 3:13 and 8:41),
    • siya ang nagpakilala sa kanya. (2 Mga Taga Cor. 4:6). Juan 1:1-4,9-10,14-16,18
  12. “Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi (Kanyang mga Alagad), ‘gibain ninyo ang templong ito (i.e., Dios sa katawang-tao!), at aking itatayo sa tatlong araw (cf. Juan 10:18 – Nagpapatunay ng Pagkabanal - tingnan Mga Gawa 3:26 at Mga Taga Roma 8:11) ... (JESUS) spoke of the temple of His body (Col. 2:9; Heb. 10:20).” John 2:19,21
  13. “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko (JESUS) sa iyo (Nicodemus), ‘Ang nalalaman namin(i.e., ang Ama at ang Anak - v. 34) ay sinasalita (ng) namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan(sa) namin; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo. (1 Juan 5:7 KJV). Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit? At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, , (tingnan ang mga sanggunian sa # 14- Juan. 3:31- sa ilalim), sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa (pangkasalukuyan - i.e., Si Kristo dito ay nagsasabing maging sabay-sabay na naroon kapwa sa lupa at sa langit) sa langit.” Juan 3:11-13
  14. “Siyang (JESUS) nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: Siyang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat. (Mateo. 20:28; Marcos 10:45; Juan 3:13; 6:38,51; Mga Taga Efe. 4:9) is above all (Mga Taga 9:5).” Juan 3:31
  15. “Datapuwa't sinagot sila (Ang Mga Hudyo) ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa. Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.” (7) Juan 5:17-18
  16. “Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin. Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol; Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. (i.e., Kinikilala ang Kanyang PagkaDios) Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.” Juan 5:21-23
  17. “(Si Jesus ay Nagsasalita) Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una?” Juan 6:62
  18. “Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama.” Juan 8:19
  19. “At sa kanila'y kaniyang sinabi, Kayo'y mga taga ibaba; ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; ako'y hindi taga sanglibutang ito. Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una. Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan. Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila..” Juan 8:23-27
  20. “Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.” Juan 8:42
  21. “Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw (Sa Mga Heb. 11:16): at nakita niya, at natuwa. Sinabi nga sa kaniya (JESUS) ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham? Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay Ako nga (Pamagat ng Dios - Exodo 3:14).. Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya… “ Juan 8:56-59
  22. “At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. Ako at ang Ama ay iisa. Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. Lev. 24:16); Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?

    “Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama. Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay.” Juan 10:28-39
  23. “Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.” Juan 11:4
  24. “At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.” Juan 12:44-45
  25. “Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,.. “ Juan 13:3 26. “Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.” Juan 13:13
  26. “Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya na ako nga. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin..” Juan 13:19-20
  27. “Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.” Juan 14:1
  28. “Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita. Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin." Juan 14:7-11
  29. “At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo. Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo. Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't inyong makikita ako: sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo. Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo. Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya. Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.” Juan 14:16-23
  30. “Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama. Kung ako sana'y hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.” Juan 15:23-24
  31. “Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi maliwanag na sa inyo'y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama. Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama; Sapagka't ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka't ako'y inyong inibig, at kayo'y nagsisampalataya na ako'y nagbuhat sa Ama. Nagbuhat ako sa Ama, at naparito ako sa sanglibutan: muling iniiwan ko ang sanglibutan, at ako'y paroroon sa Ama. Sinasabi ng kaniyang mga alagad, Narito, ngayo'y nagsasalita kang malinaw, at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita. Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios. Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo? Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.” Juan 16:25-32
  32. “At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo (9) bago ang sanglibutan ay naging gayon. (Juan 1:1-2).” Juan 17:5 34. At ang lahat ng Akin (JESUS) ay Iyo (ang Ama), at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila. At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.” Juan 17:10-11
  33. “Sumagot si Tomas ( Hudyong naniniwala sa isang Dios), at sa kaniya'y (JESUS) sinabi, Panginoon ko at Dios ko. ’” Juan 20:28
  34. “At kanilang (Mga Hudyo galling sa sinagoga – 6:9) (na siyang) pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu." MGA GAWA 7:59
  35. “Sumagot si Ananias: Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang patungkol sa lalaking ito kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem. Dito ay may kapahintulutan siya mula sa mga pinunong-saserdote na ibilanggo ang lahat ng mga tumatawag sa iyong pangalan. Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya: Pumaroon ka. Ito ay sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil, sa harapan ng mga hari, at ng mga anak ni Israel. Ito ay sapagkat ipakikita ko sa kaniya kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang batahin dahil sa aking pangalan. Lumakad nga si Ananias. Pumasok siya sa bahay upang ipatong kay Saulo ang kaniyang mga kamay na sinabi: Kapatid na Saulo, ang Panginoon, ang nagsugo sa akin. Siya ay si Jesus na nagpakita sa iyo sa daang iyong pinanggalingan. Sinugo niya ako upang tanggapin mo ang iyong paningin at mapuspos ka ng Banal na Espiritu." MGA GAWA 9:13-17
  36. “Alam ninyo ang salitang ipinadala ng Diyos sa mga anak ni Israel na naghahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo. Siya ay Panginoon ng lahat." [Siya ang Panginoon ng lahat] MGA GAWA 10:36
  37. "Sinabi nila: Sumampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.‘ Mga Gawa 16:31 “Dinala niya sila sa kaniyang bahay. Hinainan niya sila ng pagkain at nagalak din ang buo niyang sambahayan sapagkat sila ay sumampalataya sa Diyos.” MGA GAWA 16:34
  38. “Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng Diyos na binili niya ng sarili niyang dugo.” MGA GAWA 20:28
  39. “Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios… Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak." Mga Taga Roma 1:1,9
  40. “Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.” Mga Taga Roma 8:9
  41. Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa.” Mga Taga Roma 9:5
  42. “Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo . Dahil ito ay sinulat (in Isaias 45:23), ‘Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios. Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.” Mga Taga Roma 14:10-12
  43. “Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian: (i.e., YHVH Siya Mismo - tingnan Awit 24:7-10; (10) pati ang Santiago 2:1).” 1 MGA TAGA CORINTO 2:7-8
  44. “nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa. 5Sapagka't bagama't mayroong (Iyon) mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; (gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon); 6Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya." 1 MGA TAGA CORINTO 8:4-6
  45. “Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.” 1 NGA TAGA CORINTO 15:47
  46. “Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” 2 MGA TAGA CORINTO 4:4
  47. “Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.” 2 MGA TAGA CORINTO 5:18-20
  48. “Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman siya'y mayaman (i.e.., bilang Dios- cf. 2:5-11), Phil , gayon ma'y nagpakadukha (i.e., pagiging tao) dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo. 2 MGA TAGA CORINTO 8:9
  49. “At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay;” (Juan 1:1-3) Efeso 3:9
  50. "Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: 6Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios(Juan 1:1); 7Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad (14) sa mga tao: 8At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili(uri: Juan 13:3-5; tingnan rin 2 Mga Taga Cor. 8:9), na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. 9Kaya siya (i.e.,ipasauli) naman ay pinakadakila ng Dios (ang AMA), at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; 10Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 11At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. MGA TAGA FILIPOS 2:5-11
  51. “(JESUS) Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang (cf. Mga Kawikaan 8:22-31): 16Sapagka't sa kaniya (JESUS) nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; (cf. Juan 1:1-2), (14) 17At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya (i.e., Si Jesus ay literal na Siyang humahawak ng sabay-sabay sa katotohanan! - tingnan Neh. 9:6 at Mga Gawa 17:28). 18At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula(Greyigo. ‘arche,’ nagpapahiwatig tungkol sa Kanyang ranggo, kapangyarihan, at awtoridad), ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. 19Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya (JESUS)" ( PagakDios – Mga Taga Col. 2:9) MGA TAGA COLOSA 1:15-19
  52. “Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala (Greyigo. ‘epignosis’ - maunawaan, kilalanin, maging ganap na pamilyar sa) nila ang hiwaga ng Dios, at ng Ama, at ni Kristo (1 Kay Timoteo 3:16);, 3Na siyang ( isahan) kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.” MGA TAGA COLOSA 2:2-3
  53. “Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman, (Greyigo. ‘theotes’ - literal, PagkaDios) ng katawan ( Juan 1:16 at 17 (16) ).” MGA TAGA COLOSA 2:9
  54. “Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo:” (tandaan ang balarilang kaayusan), ” 1 MGA TAGA TESALONICA 3:11
  55. “Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;” (Pahayag. 21:3; 22:3-4) 1 MGA TESALONICA 4:14-16
  56. “Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa;” 1 Kay Timoteo 1:1
  57. “At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Dios ay nahayag sa laman, Pinapaging-banal sa espiritu, (Dios ay) Nakita ng mga anghel, (Dios ay) Ipinangaral sa mga HENTIL, (Dios ay) Sinampalatayanan sa sanglibutan, (Dios ay) Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian (lahat ay tumutukoy kay JESUS!)" 1 KAY TIMOTEO 3:16
  58. “Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:" 2 KAY TIMOTEO 4:1
  59. “(AngDios) Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas; Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.” KAY TITO 1:3-4
  60. “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;” KAY TITO 2:13
  61. “Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; 3Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay (Grk. ‘charakter’ – isang eksangtong kopya o paglalarawan) na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang (JESUS) kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana (dahil siya ay “kapwa” Dios – Ang Kanyang kaugnayan sa Pamilya - tingnan Zec. 13:7) ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. Sa Mga Hebreo 1:1-4
  62. “Nguni't tungkol sa Anak (ang Ama) ay sinasabi (in Awit 45:6-7), Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. At (17) (sa Awit 102:25-27), Ikaw, Panginoon(YHVH) , nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay: Sa Mga Hebreo 1:8-10
  63. “inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus; Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya (ang Ama) na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya. Sapagka't siya (JESUS) ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay. Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos; Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya…Sa Mga Hebreo 3:1b-6a 68. “(Melkizedek) Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios) Sa Mga Hebreo 7:3
  64. “Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;“ Sa Mga Hebreo 10:20
  65. “Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.” (Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagpapatunay ng wala pa si Kristo at pinagpapantay sa Banal na Espiritu) 1 PEDRO 1:11
  66. “Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:” 2 PEDRO 1:1
  67. Yaong buhat sa pasimula (Juan 1:1) yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay (JESUS - Juan 1:1,14) (At ang buhay ay nahayag (Juan 1:14; 1 Kay Tim. 3:16) , at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama (Juan 1:1-2), at sa atin ay nahayag) 1 Juan 1:1-2
  68. “Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito. Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad niya: sapagka't siya'y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili. (Juan 1:10). At nalalaman ninyo na siya'y nahayag upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y walang kasalanan.” 1 Juan 3:1-2,5
  69. “Dito'y nakikilala natin ang pagibig, sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid." 1 Juan 3:16
  70. “At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.” 1 Juan 5:7
  71. “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan." (1 Juan 1:2). 1 Juan 5:20
  72. “Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.” JUDAS 4
  73. “Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.” JUDAS 25
  74. “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.’ (ito ay si Jesus! - tingnan Pahayag. 1:11,16-18; 2:8; 21:6; 22:13 – Ito ay nagpapatunay ng kanyang PagkaDios - Gen. 17:1; Isa. 44:6).” Pahayag 1:8 80. “Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din." (tingnan Sa Kay Tim. 6:15!) Pahayag 17:14
  75. “At ipinakita niya sa akin ang isang dalisay na ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan (isahan- hindi mga ‘trono’!) ng Dios at ng Cordero… At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan (isahan) ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y (isahan- hindi ‘kanila’) paglilingkuran ng kaniyang mga (isahan- hindi ‘kanila’) alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha (hindi ‘kanilang mga mukha’!); ; at ang kaniyang pangalan (hindi‘kanilang mga pangalan’! - Zac. 14:9) ay sasa kanilang mga noo. ” Pahayag 22:1,3-4 (tingnan rin 11:15, na kung saan ay gumagamit ng parehong uri ng balarila)
  76. “ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel ... ‘Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel” Pahayag 22:6,16

Ang Walongput-dalawang bersikulo ng Bagong Tipan sa itaas, kasama ang natitirang bahagi ng ebidensiyang isinumite, hindi maipaliwanag. Lahat ng mga talata ay tiyak na walang “mali sa pagsalin”! Ang malinaw sa Banal na Kasulatan ay ang pagkakaiba ng Ama at ng Anak, ngunit ang dalawa ay talagang “isang” Dios (parehong katotohanan na rin sa Banal na Espiritu). Karagdagan, si HesuKristo ay tunay na “Dios na nagpakita sa katawang-tao.”




Mga Bersikulo sa Lumang Tipan

Isaias 7:14 - "Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel." (Immanuel ay literal na nangangahulugang “sumasa atin ang Dios").

Isaiah 9:6 - " Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.”

Jeremias 23:5-6 - "Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran." Ang pangalan ni Kristo sa Hebreo ay YHWH Tsidkenu, Jehovah ang ating pagkamakatwiran

Mikas 5:2 - "Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan." Si Kristo ay palaging umiiral dahil hindi Siya nilikhang nilalang; Siya ay makapangyarihang Dios na umiral mula sa walang hanggan.

Malakias 3:1-2 - "Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi . Ang templo ng Dios ay templo ni Kristo. Si Kristo ay dumadating bilang makapangyarihang hukom.

Awit 45:1, 6-7 "Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian. Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama." “Ang naisalin na salitang Hebreo na "anoint" ay ang pandiwang uri ng pangngalan na "Mesiyas.

Awit 110:1-3 "Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.”
Ang Panginoon ( Jehovah) ay magsusupil ng lahat ng mga kaaway ni Kristo. Gayon pa man ang pamalo ni Kristo at kapangyarihan ni Kristo ay magsusupil lahat ng kaaway. Ang panuntunan at kapangyarihan ni Kristo ay malinaw na pantay sa Dios.
Tingnan ang Awit 2:11-12 na kung saan parehong paksa ang tinalakay: "Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya." Tandaan kung paano “ang Anak” nilagay sa magandang pagpaparis sa “Jehovah.”




Ang Paraan ng Pagkakabit ng Sama-sama sa Pangalan ng Dios na Ama At HesuKristo ang Anak

Ang isang pang katibayan ng lubos na PagkaDios n gating Panginoong ay makikita sa paraan ng pagkakabit ng pangalan ni HesuKristo sa Dios na Ama. Sa napakaraming salita sa Bibliya ang Kanyang pangalan ay ikinabit kasama ang Pangalan ng Dios sa paraan na kung saan ito ay imposibleng ikabit ang pangalan ng may hangganang nilalang sa PagkaDios. Mayroon tayong oras para ngunit ang ilan sa maraming paglalarawan na maaaring ibigay. Isang kapansin-pansin na halimbawa sa mga salita mismo ng Panginoon sa John 14:23 mababasa natin, " Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan." An ating Panginoong Jesus dito ay hindi nag-aatubiling ikabit ang Kanyang Sarili sa Ama sa paraan upang sabihin ang "Kami," iyon ay, ang Diyos Ama at Ako, ay darating at gagawa ng aming tahanan kasama niya. In Juan 14:1 sinabi Niya, Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.” Kung si HesuKristo ay hindi Dios, ito ay kagulat-gulat na kalapastangan sa Dios. Mayroong tiyak na walang gitnang lupa sa pagitan ng pagtatanggap ng PagkaDios ng HesuKristo at singilin si Kristo ng pinaka-walang takot at nakapanlulumong kalapastangan sa Dios na kung saan sinumang tao ay nagkasala.

Mga Hindi Sinasadyang PagkaDios ni HesuKristo

Ang Ating Panginoon ay nagsabi sa Mateo 11:28 , " Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin." Kung sino man na gumagawa ng pangako katulad ng dapat maging alinman sa Diyos , o isang sir-ulo, o isang impostor. Walang sinumang makapagbigay ng pahinga sa lahat ng nangapapagal at sa mga nangabibigatang lubha na lumalapit sa kanya maliban nalang kung siya ay Dios, ngunit si HesuKristo ay nag-aalok na gawin ito. Kung Siya ay nag-aalok na gawin ito at nabigong gawin ito kapag ang mga tao ay lumapit sa Kanya, kung gayon siya ay isang sira-ulo o isang impostor. Kung talagang magawa Niya ito, kung gayon sa kabila ng mga tanong, siya ay Dios. At libu-libo ang makapagpatunay na talagang ginagawa Niya ito. Libo-libo at libu-libong mga tao ang nangapapagal at nangabibigatang lubha at nadurog, at walang tulong sa tao, kailangang lumapit kay HesuKristo at Siya talaga ay nagbigay ng pahinga sa kanila. Gayon pa man Siya talaga ay hindi lang dakilang tao, ngunit sa katotohanan Siya ay Dios.

Muli sa Juan 14:1 si HesuKristo ay naghihiling na maglagay tayo ng parehong pananampalataya sa Kanya katulad ng nilalagay nating pananampalataya sa Dios na Ama, at mga pangako na sa ganyang pananampalataya ay makakatagpo tayo ng lunas para sa lahat ng kaguluhan at pagkabahala ng ating puso. Ang kanyang mga salita ay, " Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin." Ito ay malinaw na Siya ay naghihingi ng parehong lubos na pananampalataya na ilagay sa Kanyang sarili na ilalagay rin sa Makapangyarihang Dios. Sa Jeremiah 17:5, basahin natin"Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon." At gayunman kasama itong malinaw na sumpang maliwanag sa lahat ng nagtitiwala sa tao, Si Kristo ay naghihiling na ilagay natin ang ating pagtitiwala sa Kanya pareho sa paglagay natin ng pagtitiwala sa Dios na Ama. Ito ay ang pinakamalakas na posibleng badya ng PagkaDios sa kanyang bahagi. Walang sinuman ngunit ang Dios lang ang may karapatan na gumawa tulad ng ganyang kahilingan, kapag ginagawa Niya itong kahilingan, alinman sa Dios o isang impostor; ngunit libo-libo ang nakatagpo nang naniwala sila sa Kanya katulad sa paniniwala nila sa Dios, ang kanilang mga puso ay iniligtas mula sa mga kaguluhan, hindi mahalaga kung ano ang kanilang pangungulila o mga pangyayaring maaaring maging.

Muli, ang Panginoong Jesus ay naghingi ng pinakamataas na lubos na pag-ibig para sa Kanya. Ito ay malinaw katulad ng araw na walang sinuman ngunit and Dios lang ang may karapatan na maghingi tulad ng ganyang pag-ibig, ngunit walang maging tanong na si Jesus ay naghihingi niyan. Sa Mateo 10:37 Nagsabi Siya sa Kanyang mga Alagad, Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.” At sa Lucas 14:26, 33, sabi niya, Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko. Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko. Walang maaring maging tanong na ito ay hinihingi kay Jesus sa bahagi ng pinakamataas at lubos na pag-ibig sa Kanya, isang pag-ibig na naglalagay kahit sa minamahal na kaugnayan ng buhay sa isang pangalawang lugar. Walang sinuman ngunit ang Dios lang ang may karapatan na gumawa ng ganitong kahilingan, ngunit ito ay ginawa ng ating Panginoong Jesus, at sakatuwid, Siya ay talagang Dios.

Sa Juan 10:30 ang Panginoong Jesus ay umangkin ng lubos na pagkapantay sa Ama. Sabi niya, "Ako at ang Ama ay iisa.br>
Sa Juan 14:9 ang Panginoong Jesus ay nagsabi, Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?" Siya ay umaangkin dito ng pagiging lubos na Dios na ang pagkita sa kanya ay pagkita rin sa Ama na naninirahan sa kanya.

In John 17:3 He says, "And this is life eternal, that they might know thee the only true God, and Jesus Christ, whom thou hast sent." In other words, He claims that the knowledge of Himself is as essential a part of eternal life as knowledge of God the Father.


Malinaw Na Tinuro Ni Jesus Ang Kanyang PagkaDios

Pahayag 21:6-7 - "At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko."

Juan 8:56-58 - “Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham? Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.”

Juan 5:17-26 - “Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa. Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios. Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas. Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin. Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol; Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay. Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili:”

Juan 10:28-39 - "At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. Ako at ang Ama ay iisa. Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama. Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay."

Marcos 2:5-11 "At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, ipinatatawad ang iyong mga kasalanan. Nguni't mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba, at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso, Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya'y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang? At pagkaunawa ni Jesus, sa kaniyang espiritu na sila'y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili, pagdaka'y sinabi sa kanila, Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso? Alin baga ang lalong magaang sabihin sa lumpo, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka? Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo." ( Lucas. 5:20-24)

Ang teolohiya ng mga scriba ay tama: "sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang? Si Jesus ay hindi hindi sumasang-ayon sa kanilang mga konklusyon: sa makatwid, sa pamamagitan ng mapaghimalang paggamot pinatunayan niya na siya sa katunayan ay Diyos at nagkaroon ng kapangyarihan na magpatawad ng mga kasalanan.

Ang mga manunulat ng Bagong Tipan na ginamit ng Banal na Espiritu ay naglagay ng mga salita galing sa Lumang Tipan na tumutukoy sa Dios-Jehovah sa Kay HesuKristo; sa makatwid, si Jesus ay Dios.

Konklusyon

Walang silid para sa pagdududa sa lubos na PagkaDios ni HesuKristo. Ang Tagapagligtas na pinapaniwalaan natin na Dios, isang Tagapagligtas na sa kanya ay walang mahirap, Tagapagligtas na kayang magligtas galing sa pinakamalaki papunta sa pinakamalaki. Dapat tayo ay magsaya dahil hindi lamang taong tagapagligtas mayroon tayo, ngunit isang Tagapagligtas na lubusang Dios sa lahat ng kanyang kapunuan at pagkasakdal. Sa kabilang dako, gaano kaya kaitim ang pagkakasala ng pagtatanggi sa ganitong Tagapagligtas!

Ang sinumang tumatanggi sa pagtanggap kay Jesus bilang kanyang Banal na Tagapagligtas at Panginoon ay nagkasala ng kakila-kilabot na kasalanan ng pagtatanggi ng Tagapaglitag na siyang Dios. Maraming taong nag-iisip na siya ay mabuti dahil hindi siya nagnanakaw, o nakapatay ng tao, o nanloko. “Sa anong malaking kasalanan ako nagkasala?” Nagmamagaling niyang tinatanong. Tinanggap mo na ba si HesuKristo? “Hindi.” Kung gayon, ikaw ay nagkasala ng katakut-takot at nakakapinsalang kasalanan ng pagtanggi ng Tagapagligtas sa siyang Dios. “Ngunit, sumasagot ka, hindi ako naniniwala na siya ay Dios.” Ito ay hindi nagbabago ng katotohanan o nagbabawas ng iyong pagkakasala sa harap ng Dios. Hindi nagbabago ng katotohanan ang pagtatanong o pagkakaila sa katotohanan, hindi alintana ang kung ano ang sinabi ni Mary Baker Eddy sa kasalungat. Pagtatanggi sa PagkaDios ni HesuKristo ay hindi gumagawa ng kanyang Pagkadios sa anumang mas mababa sa katotohanan, ngunit ito ay gumagawa sa taong nagtatanggi ng kangyang PagkaDios ng isang kasindak-sindak, hindi kapani-paniwalang kalapastangan sa Dios laban sa Panginoong Dios ng Langit.

Mayroon lamang isang Dios. Sabi ni Jesus sa (Juan 10:30) “Ako at ang Ama ay iisa. Pagpapaliwanag sa Dios sa pangtaong salita ay possible lamang sa pamamagitan ng kung ano ang ating nalalaman galing sa kanyang mga Salita, ang Banal na Bibliya. Ang Bibliya ay nagbibigay sa atin kung ano ang kailangan nating malaman, at sapat na impormasyon upang malaman na maaari nating pagkatiwalaan ang Dios sa ating mga buhay, at maniwala na ang kanyang mga Salita ay totoo. Ang Bibliya ay nagtuturo na ang Dios na Ama, at Anak ng Dios, si HesuKristo ay isa lang. Ang PagkaDios ni HesuKristo ay siyang naghihiwalay sa tunay na Kristiyanismo mula sa mga kulto na naghahawak ng sobrang ibang doktrina sa Bibliya. Itong mga kulto ay mayroong isang bagay na karaniwan, hindi nila pinapangaralan ang kanilang mga miyembro na magbasa ng Bibliya maliban sa pamamagitan ng interpretasyon ng kanilang mga punong-tanggapan. Ang nag-iisang pagbasa ng Bibliya, ang paraan na gusto ng Dios sa atin, ay ang nagpapalaya ng mga tao mula sa mga kulto.

Mga Taga Colosa 2:8-10 - “Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo: Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman, At sa kaniya kayo'y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan:”

1 Juan 5:20 - “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”


AMAZING GRACE BIBLE INSTITUTE