Articles of Faith TAGALOG


Artikulo ng Pananampalataya

  1. Sa Kasulatan: Inspirasyon at preserbasyon
  2. Sa Tunay nga Diyos
  3. Sa Banal na Ispiritu
  4. Sa Diablo o kay Satanas
  5. Sa Pagkalikha
  6. Sa Pagkabagsak ng Tao
  7. Sa Pagpapanganak ng Birhen
  8. Sa Pagpapatawad ng Kasalanan
  9. Sa Grasya sa Bagong Pagkalikha
  10. Ang Kaligtasan ay Regalo ng Dios
  11. Sa pagiging matuwid
  12. Sa Pagpapatawad at Pananampalataya
  13. Sa Simbahan
  14. Sa Bautismo at Hapunan ng Panginoon
  15. Sa Pagpapagal ng mga Santo o mananampalataya
  16. Sa mga Matutuwid at mga Makasalanan
  17. Sa Sibil na Gobyerno
  18. Sa Pagkabuhay at Pagbabalik ni Kristo na may relasyon sa mga pangyayari.
  19. Sa mga nagmimisyon
  20. Sa Grasya ng Pagbibigay




1. Sa Kasulatan: Inspirasyon at preserbasyon

Kami ay naniniwala sa Banal na Biblia na isinulat ng tao at kinasihan; na may katoohanan at walang halong kamalian at datapwat ito ay mananatili hangang sa wakas, ito and tanging kumpleto at pinal na rebelasyon ng kalooban ng Diyos sa tao, ang tunay na sentro ng kabuuan ng Kristyano at supremo sa antas at kung saan dapat na nakatali ang paguugali, paniniwala, at opinion ng tao.

  1. Sa “Banal na Bibliya” ito ay koleksyon ng anim na put anim na mga libro mula Genesis hangang Apocalipsis na hindi lamang mayroon at nagdadala ng Salita ng Diyos kundi ito mismo ang Salita ng Diyos.

  2. Sa “Inspirasyon” ito mga libro ng Bibliya na isnulat ng mg asinaunang banal na tao, na puspuis ng Banal na Ispiritu, kung saan ang kanilang isinulat ay makapangyarihan at berbal na kinasihan na walang mali, Ito rin ay hindi tulad ng ibang isinulat na may mali at hindi kinasihan.

  3. Ang Bibliya na King James na Bibliya at inilimbag sa Ingles ay tunay the Salita ng Diyos para sa mga taong gumagamit at nakakaintindi ng Ingles sa buong mundo. Ang Sabi ng Diyos na kanyang iingatan ang kanyang salita.Datapuwat ito ay totoo paniwalaan mo man o hindi.

Mga Awit 19:7-11
7. Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.
8. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.
9. Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10. Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11. Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala. .

Mga Awit 119:89
Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.

Mga Awit 119:105
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

Mga Awit 119:30
Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

Mga Awit 119:160
Jumla ya neno lako ni kweli, Na kila hukumu ya haki yako ni ya milele.

Mga Kawikaan 30:5-6
5. Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
6. Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.

Mga Kawikaan 8:20
Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan:

Lucas 16:31
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.

Lucas 24:25-27
25. Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta.
26. Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?
27. Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.

Lucas 24:44-45
44. Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.
45. Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan.

Juan 5:39
Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat sa palagay ninyo na sa mga ito ay may buhay na walang hanggan. Ang mga kasulatang ito ang nagpapatotoo patungkol sa akin.

Juan 5:45-47
45. Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Si Moises na inyong inasahan ang siyang magpaparatang sa inyo.
46. Yamang sumampalataya kayo kay Moises ay sasampalataya rin kayo sa akin. Ito ay sapagkat siya ay sumulat patungkol sa akin.
47. Yamang hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sinulat papaano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?

Juan 12:48
May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw.

Juan 17:17
Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katotohanan.

Mga Gawa 1:16
Sinabi niya: Mga kapatid, kinakailangang maganap ang kasulatang ito na sinabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bibig ni David. Ito ay ang patungkol kay Judas na naging gabay ng mga dumakip kay Jesus.

Mga Gawa 28:25
Nang sila ay hindi magkaisa, umalis sila pagkasabi ni Pablo ng isang pananalita: Tama ang pagkasabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias.

Mga Taga-Roma 3:4
Huwag nawang mangyari. Sa halip, ang Diyos ay totoo at ang bawat tao ay sinungaling. Ayon sa nasusulat: Na sa iyong mga pagsasalita ay pinapaging-matuwid ka at sa paghatol sa iyo ay makaka-panaig ka.

Mga Taga-Roma 15:4
Ito ay sapagkat ang anumang bagay na isinulat noong una pa ay isinulat para sa ikatututo natin upang magkaroon tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtitiis at pagpapalakas-loob na mula sa kasulatan.

Mga Taga-Efeso 6:17
Tanggapin din ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos.

II Kay Timoteo 3:16-17
16. Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran.
17. Ito ay upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, na naihandang lubos sa mga mabubuting gawa.

I Pedro 1:23
Ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi magpakailanman.

II Pedro 1:19-21
19. Taglay namin ang salita ng mga propeta na lubos na mapagkakatiwalaan. Makakabuting isaalang-alang ninyo ito. Ang katulad nito ay isang ilawan na nagliliwanag sa kadiliman hanggang sa mabanaag ang bukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumikat sa inyong mga puso.
20. Higit sa lahat, dapat ninyong unang malaman na alinmang pahayag sa kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling paliwanag.
21. Ito ay sapagkat ang mga pahayag ay hindi dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao ngunit nagsalita ang mga banal na tao ng Diyos nang sila ay ginabayan ng Banal na Espiritu.

Pahayag 22:19
Kung binawasan ng sinuman ang mga salita sa aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa aklat ng buhay. Aalisin din ang kaniyang bahagi sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na isinulat sa aklat na ito.

2. Sa Tunay nga Diyos

Naniniwala kami na mayroong nagiisa and tanging isa na buhay at totoong Diyos, walang hanggan,Intelehenteng Ispiritu ang manlalalang at supremong tagapamahala sa langit at lupa; dakila sa kabanalan at kaayaya sa lahat ng pusibling honor,katapangan at pagibig; at sa nagkaisang PagkaDiyos ng tatlong persona, Ang Ama, Ang Anak at Banal na Ispiritu ay pantay sa lahat ng pagkadivino sa perpeksyon, at sa paggawa pero may pagkakaisa sa opisina sa dakilang gawain ng pagkatubos ng dugo ni Kristo na nauhos para satin.

Genesis 17:1
At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.

Exodo 20:2-3
2. Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
3. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

Exodo 15:11
Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?

Mga Awit 83:18
Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.

Mga Awit 90:2
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

Mga Awit 147:5
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,

Jeremias 10:10
Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.

Mateo 28:19
Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

Marcos 12:30
Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo. Ito ang unang utos.

Juan 4:24
Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan.

Juan 10:30
Ako at ang Ama ay iisa.

Juan 15:26
Pagdating ng Tagapayo na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ay magpapatotoo patungkol sa akin. Siya ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama.

Juan 17:5
Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan.

Mga Gawa 5:3-4
3. Ngunit sinabi ni Pedro: Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling ka sa Banal na Espiritu at magtabi ng bahagi ng halaga ng lupa para sa iyong sarili?
4. Nang ito ay nananatili pa sa iyo, hindi ba ito ay sa iyo? Nang ito ay ipagbili, hindi ba ito ay nasa ilalim ng iyong kapangyarihan? Bakit binalak mo ang bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka nagsinungaling sa mga tao kundi sa Diyos.

Mga Taga-Roma 11:23
Gayundin sila, kung hindi sila magpapatuloy sa hindi pagsampalataya, ihuhugpong sila ng Diyos sapagkat magagawa ng Diyos na sila ay ihugpong muli.

I Mga Taga-Corinto 8:6
Subalit para sa atin iisa lamang ang Diyos, ang Ama. Sa kaniya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay para sa kaniya. Iisa lamang ang Panginoong Jesucristo. Sa pamamagitan niya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan niya.

I Mga Taga-Corinto 12:4-6
4. May iba't ibang uri ng kaloob ngunit iisa ang Espiritu
5. May iba't ibang uri ng paglilingkod ngunit iisa ang Panginoon.
6. May iba't ibang uri ng gawain ngunit iisa ang Diyos na sa lahat ay gumagawa sa lahat ng bagay.

I Mga Taga-Corinto 12:10-11
10. Sa isa naman ay ibinigay ang paggawa ng mga himala at sa isa ay ang pagpapahayag. Sa isa ay ibinigay ang pagkilala sa mga espiritu at sa iba naman ay iba't ibang uri ng wika. Sa iba naman ay ang pagpapaliwanag sa mga wika.
11. Gayunman, ang isa at siya ring Espiritu ang gumagawa sa lahat ng mga bagay na ito. Ibinabahagi niya ito sa bawat isa ayon sa kaniyang kalooban.

II Mga Taga-Corinto 13:14
Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ang sumainyong lahat. Siya nawa!

Mga Taga-Efeso 2:18
Sapagkat sa pamamagitan niya tayo ay kapwa may daan patungo sa Ama sa pamamagitan ng isang Espiritu.

Mga Taga-Efeso 4:6
Mayroong isang Diyos at Ama ng lahat na nakakahigit sa lahat. Siya ay nasa lahat at nasa inyong lahat.

Mga Taga-Filipos 2:5-6
5. Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman.
6. Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos.

I Kay Timoteo 1:17
Ngayon, sa Haring walang hanggan at walang pagkabulok, at hindi nakikita, at tanging matalinong Diyos, sumakaniya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa.

I Juan 5:7
May tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, ang Banal na Espiritu at ang tatlong ito ay iisa.

Pahayag 4:11
Sasabihin nilang: O, Panginoon, karapat-dapat kang tumanggap ng kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay naroroon at sila ay nalalang.

3. Sa Banal na Ispiritu

Naniniwala kami sa Banal na Ispiritu na divining persona; pantay sa Diyos Ama at Diyos Anak at pantay sa kalikasan; na siya ay aktibo sa paglalang sa sanlibutan; na kanyang pinipigilan and nagiisang pinakamasama sa mga hindi naniniwala sa mundo hangat ang layunin ng Diyos ay maisakatuparan; At kanyang hinuhusgaan ang Kasalanan, ang paghuhukom at katwiran. Na siya rin ang may alam sa katoohanan ng ebanghelyo ng pangangaral at testimonya. Na siya ang ahente sa PagkaBagong Silang. Na Siya ang nagseselyo, nangununa, nagtuturo, at tumutulong sa mga mananampalataya. At hindi naming pinaniniwalaan na ang Banbal na Ispiritu ay nakakatakot. Naniniwala kami na ang Banbal na Ispiritu ay buhay at aktibo ngaon sa buhay ng mga tao ng Diyos.

Kung ang tao ay sumasampalataya at nagtitiwala sa Panginoong Hesus Kristo upang maligtas ang Banbal na Ispiritu ang nagiisang dumarating at nananahan sa mga mananampalataya

Mateo 3:11
Binabawtismuhan ko nga kayo ng tubig sa pagsisisi, ngunit siya na dumarating na kasunod ko ay higit na dakila kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat magdala ng kaniyang panyapak. Siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu at sa apoy.

Mateo 28:19
Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

Marcos 1:8
Binabawtismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babawtismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.

Lucas 1:35
Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos.

Lucas 3:16
Si Juan ay sumagot sa kanilang lahat: Binabawtismuhan ko nga kayo ng tubig ngunit darating ang isang higit na dakila. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang panyapak. Babawtismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu at ng apoy.

Lucas 24:49
Narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama. Ngunit manatili kayo sa lungsod ng Jerusalem hanggang kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.

Juan 1:33
Hindi ko siya kilala ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa pamamagitan ng tubig ay siya ring nagsabi sa akin: Kung kanino mo makikitang bababa at mananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo ng Banal na Espiritu.

Juan 3:5-6
5. Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos.
6. Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu.

Juan 14:16-17
16. Hihiling ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Tagapayo upang siya ay manatili sa inyo magpakailanman.
17. Ang Tagapayong ito ay ang Espiritu ng Katotohanan. Hindi siya matanggap ng sangkatauhan sapagkat hindi siya nito nakikita o nakikilala man. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nananahang kasama ninyo at sasainyo.

Juan 14:26
Ang Tagapayo, ang Banal na Espiritu ang siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. Ipapa-alaala niya ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa inyo.

Juan 15:26-27
26. Pagdating ng Tagapayo na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, siya ay magpapatotoo patungkol sa akin. Siya ang Espiritu ng katotohanan na magmumula sa Ama.
27. Kayo rin naman ay magpapatotoo sapagkat kayo ay nakasama ko na mula pa sa pasimula.

Juan 16:8-11
8. Pagdating niya ay kaniyang susumbatan ang sangkatauhan patungkol sa kasalanan, sa katuwiran at sa kahatulan.
9. Susumbatan niya sila patungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila sumampalataya sa akin.
10. Susumbatan niya sila patungkol sa katuwiran sapagkat ako ay pupunta sa aking Ama at hindi na ninyo ako makikita.
11. Susumbatan niya sila patungkol sa kahatulan sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay nahatulan na.

Juan 16:13
Gayunman, sa pagdating ng Espiritu ng Katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanan. Ito ay sapagkat hindi siya magsasalita ng patungkol sa kaniyang sarili. Kung ano ang kaniyang maririnig, iyon ang kaniyang sasabihin. Ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.

Mga Gawa 5:30-32
30. Ang Diyos ng aming mga ninuno ang nagbangon kay Jesus na inyong pinatay sa pagbitin ninyo sa kaniya sa puno.
31. Siya ay itinaas ng Diyos sa kaniyang kanang bahagi upang maging Pinakapinuno at Tagapagligtas. Ito ay upang ang Israel ay pagkalooban ng pagsisisi at kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
32. Kami ay mga saksi niya patungkol sa mga bagay na ito. Saksi rin ang Banal na Espiritu na siyang ibinigay ng Diyos sa kanila na sumusunod sa kaniya.

Mga Gawa 11:16
Naalaala ko ang salita ng Panginoon kung paanong sinabi niya: Tunay na si Juan ay nagbawtismo sa tubig. Ngunit kayo ay babawtismuhan sa Banal na Espiritu.

Mga Taga-Roma 8:14
Ito ay sapagkat sila na inaakay ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos.

Mga Taga-Roma 8:16
Ang Espiritu ang siyang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo ay mga anak ng Diyos.

Mga Taga-Roma 8:26-27
26. Sa gayong paraan, ang Espiritu rin ay kasamang tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin. Subalit ang Espiritu mismo ang siyang namamagitan para sa atin na may pagdaing na hindi kayang ipahayag ng salita.
27. Siya na sumusuri sa mga puso ang siyang nakakaalam ng kaisipan ng Espiritu sapagkat ang Espiritu ay namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.

Mga Taga-Efeso 1:13-14
13. Sumampalataya rin kayo kay Cristo, pagkarinig ninyo ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan. Sa kaniya rin naman, pagkatapos ninyong sumampalataya, ay tinatakan kayo ng Banal na Espiritu na ipinangako.
14. Ang Banal na Espiritu ang katiyakan ng ating mana, hanggang sa pagtubos ng biniling pag-aari para sa kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian.

II Mga Taga-Tesalonica 2:7
Ito ay sapagkat gumagawa na ang hiwaga ng kawalang pagkikilala sa kautusan ng Diyos. May pumipigil pa rito sa ngayon hanggang sa ang pumipigil ay maalis.

II Mga Taga-Tesalonica 2:13
Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, nararapat na kami ay laging magpasalamat sa Diyos patungkol sa inyo. Ito ay sapagkat pinili kayo ng Diyos mula pa sa pasimula para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapaging-banal ng Espiritu at paniniwala sa katotohanan.

Hebreo 9:14
Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.

I Pedro 1:2
Hinirang sila ayon sa paunang kaalaman ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pagpapaging-banal ng Espiritu, patungo sa pagsunod at pagwiwisik ng dugo ni Jesucristo. Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan.

4. Sa Diablo o kay Satanas

Si Satanas ang pinakamagandang anghel ng Dios at siya’y nagdesisyon at sinabi nya sa kanyang sarili na gusto niya maging katulad ng Dios. Sa kanyang pagmamalaki at kayabangan siay nagrebelde ngunit ang Panginoon ay may hinandang lugar para sa kanya at yan ay ang impiyerno. Siya ay tinapon mula sa langit kasama ng kanyang mga tagasunod. Siya ay habang buhay na hahatulan sa impiyerno . Siya ngayon ay tinatawag na prinsipe ng kapangyarihan ng hangin, ang ispiritu na gumagawa sa mga hindi masunirin na mga anak. Siya ay pinanghahawakan at pinaniniwalaan natin nga higit na manunukso ng tao, ang kaaway ng Dios, ang kaaway ng mga kristyano, ang may akda at pinagmulang ng maling relihiyon, ang nangunguna sapagtalikod sa katoohanan, panignoon ng antikristo, ang pinagmulan ng lahat ng kapangyarihan ng kadiliman nakatakda na matalo sa huli sa kamay ng anak ng Dios at mahahatulan ng walang hanggan sa impiyerno. Ang Diablo ay walang katangian ng alam nya ang lahat ni hindi siya pwedi nasa lahat ng lugar ng tulad sa Panginoong Hesu Kristo. May mga galamay siya o kampon na gumagawa ng kanyang kagustuhan. Ngunit ang Dios ay ang nakakalam ng lahat and hindi ang Diablo.

Isaias 14:12-15
12. Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13. At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14. Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
15. Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.

Ezekiel 28:14-17
14. Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.
15. Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
16. Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.
17. Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.

Mateo 4:1-3
1. Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.
2. Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya.
3. Lumapit ang manunukso sa kaniya at sinabi: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay. .

Mateo 13:25
Ngunit habang natutulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway. Naghasik siya ng masamang damo sa pagitan ng mga trigo at umalis.

Mateo 25:41
Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel.

Mateo 27:39
Nilait siya ng mga dumaraan na iniiling ang kanilang mga ulo.

Marcos 13:21-22
21 Kaya kung may magsabi sa inyo: Narito, ang Mesiyas ay narito na. O narito, ang Mesiyas ay naroon. Huwag ninyo itong paniwalaan.
22 Ito ay sapagkat mayroong lilitaw na mga bulaang Mesiyas at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa. Gagawin nila ito upang dayain kung maaari kahit ang hinirang.

Lucas 22:3-4
3 Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad.
4 Umalis siya at nakipag-usap sa mga pinunong-saserdote at sa mga opisyales ng mga tanod sa templo kung papaano niya maipagkakanulo si Jesus sa kanila.

Juan 14:30
Simula ngayon ay hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay dumarating. Tunay na wala siyang bahagi sa akin.

Mga Taga-Efeso 2:2
Sa mga ito dati kayong namuhay ayon sa takbuhin ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapamahalaan ng hangin, ang espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway.

II Mga Taga-Corinto 11:13-15
13. Ito ay sapagkat ang mga gayon ay hindi tunay na mga apostol. Sila ay mga mandarayang manggagawa na nag-aanyong mga apostol ni Cristo.
14. Hindi ito kataka-taka dahil si Satanas man ay nag-aanyong anghel ng liwanag.
15. Hindi rin nga malaking bagay kung ang kaniyang mga tagapaglingkod ay mag-anyong mga tagapaglingkod ng katuwiran. Ang wakas ng mga ito ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.

1 Thessalonians 3:5
Nang hindi na ako makatiis ay nagsugo ako upang malaman ang patungkol sa inyong pananampalataya, dahil sa aking pangambang baka kayo ay natukso na ng manunukso at mawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal..

I Mga Taga-Tesalonica 2:8-11
8. Kung magkagayon, mahahayag siya na walang kinikilalang kautusan ng Diyos. Ang Panginoon ang pupuksa sa kaniya sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig. Sa pamamagitan ng kasinagan ng kaniyang pagdating at ang Panginoon ay siya ring magpapawalang-bisa sa taong iyon.
9. Ang pagparito ng taong walang kinikilalang kautusan ng Diyos ay ayon sa paggawa ni Satanas ayon sa lahat ng uri ng kapangyarihan at mga tanda at mga kamangha-manghang gawa ng kasinungalingan.
10. Gagawa siya ng lahat ng daya ng kalikuan sa kanila na napapahamak sapagkat hindi nila tinanggap ang pag-ibig ng katotohanan upang sila ay maligtas.
11. Dahil dito, ang Diyos ay magpapadala sa kanila ng makapangyarihang gawain ng panlilinlang upang sila ay maniwala sa kasinungalingan.

1 Pedro 5:8
Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang malalamon niya.

II Pedro 2:4
Ito ay sapagkat hindi pinaligtas ng Diyos ang mga anghel na nagkasala subalit sila ay ibinulid sa kailaliman at tinanikalaan ng kadiliman upang ilaan para sa paghuhukom.

I Juan 2:22
Sino ang sinungaling? Siya na tumatangging si Jesus ang Mesiyas. Ang tumatanggi sa Ama at sa Anak, siya ay anticristo.

I Juan 3:8
Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo sapagkat ang diyablo ay nagkakasala na buhat pa sa pasimula. Ang Anak ng Diyos ay nahayag sa dahilang ito upang wasakin niya ang mga gawa ng diyablo.

I Juan 4:3
Ang bawat espiritung hindi kumikilala na si Jesucristo ay nagkatawang tao sa kaniyang pagparito ay hindi mula sa Diyos. Ito ang espiritu ng anticristo na narinig ninyong darating at narito na nga sila ngayon sa sanlibutan.

2 Juan 7
Maraming manlilinlang ang narito na sa sanlibutan. Sila yaong mga ayaw kumilala na si Jesucristo ay nagkatawang-tao. Ang ganitong tao ay isang mandaraya at anticristo.

Judas 6
At ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan, kundi iniwan ang kanilang tinatahanan, ay inilaan ng Diyos sa walang hanggang tanikala sa ilalim ng kadiliman para sa dakilang araw ng paghuhukom.

Pahayag 12:7-10
7. Nagdigmaan sa langit. Nakipagdigma si Miguel at ang kaniyang mga anghel laban sa dragon. Lumaban sa kanila ang dragon at ang mga anghel niya.,
8. Ngunit hindi sila nagtagumpay, ni wala nang lugar sa langit para sa kanila.
9. Itinapon palabas ang isang napakalaking dragon. Siya iyong ahas na mula pa noong unang panahon na ang tawag ay Diyablo at Satanas. Siya yaong nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa at itinapon ding kasama niya ang kaniyang mga anghel.
10. Narinig ko ang isang malakas na tinig na nagsasalita sa langit. Sinabi nito: Dumating na ngayon ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang paghahari ng Diyos. Ang kapamahalaan ng kaniyang Mesiyas ay dumating sapagkat naihulog na nila ang sumasakdal sa ating mga kapatid. Siya iyong sumasakdal sa kanila sa harapan ng Diyos gabi at araw.

Pahayag 13:13-14
13. Ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa nga ng mga dakilang tanda. Pinababa nito ang apoy na mula sa langit sa lupa at sa harapan ng mga tao.
14. Inililigaw nito ang mga nananahan sa lupa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng unang mabangis na hayop. Sinabi nito sa mga tao na nakatira sa lupa, na gumawa sila ng isang larawan ng unang mabangis na hayop na nasugatan ng tabak at nabuhay ito.

Pahayag 19:11
Nang bumukas ang langit, narito, nakita ko ang isang puting kabayo. At ang nakaupo roon, ay tinawag na Tapat at Totoo. Siya ay humahatol at nakikipagdigma ng matuwid.

Pahayage 19:16
At sa kaniyang kasuotan at sa kaniyang hita ay naroon ang kaniyang pangalan na isinulat ng Diyos: HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Pahayag 19:20
At nahuli niya ang mabangis na hayop na kasama ang bulaang propeta na siyang gumawa ng mga tanda sa harap niya. Sa pamamagitan nito, nailigaw niya yaong mga tumanggap ng tatak ng mabangis na hayop at yaong mga sumasamba sa kaniyang pangalan. Inihagis niyang buhay ang dalawa sa lawa ng apoy na nagniningas sa asupre..

Pahayag 20:1-3
1. At nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit. Siya ay may taglay na susi ng walang hanggang kalaliman. Siya ay may hawak na malaking tanikala.
2. At hinuli niya ang dragon, na ito ay ang ahas noong matagal nang panahon. Siya ang diyablo at Satanas. Siya ay ginapos sa loob ng isang libong taon.
3. Itinapon siya sa walang hanggang kalaliman upang hindi na siya makapagligaw ng mga bansa. Sinarhan niya siya at nilagyan ng selyo sa ibabaw niya. Siya ay mananatili roon hanggang sa matapos ang isang libong taon. Pagkatapos ng mga bagay na ito kinakailangang pakawalan siya ng Diyos sa maikling panahon.

Pahayag 20:10
At ang diyablo na nanglinglang sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at ng asupre, kung saan naroroon ang mabangis na hayop at ang bulaang propeta at doon sila ay pahihirapan araw at gabi, magpakailan pa man.

5. Sa Pagkalikha

Naniniwala kami sa paglalang o pagkalikha ayon sa Genesisat ito ay kailangan tanggapin literal at hindi kathang isip or istorya lamang. Na ang tao ay nilikha ng Dios mula sa kanyang sariling imahe at kagustuhan, na ang pagkalikha sa tao ay hindi sa pamamagitan ng ebolusyon ng isang species o pagbabago ng mga ito ni hindi sa paraan ng pagkakaroon ng mga pagbabago mula sa mababa hangang sa pataas ng antas o anyo. Na ang lahat ng mga hayop at tanim o ang mga may buhay ay direktang nilikha ng Dios at lumikha Siya nga sila ay dadami o magkakanak ng katulad nila. Dahil niloikha ng Dios ang tao sa pamamgitan ng lalaki at babae, naniniwala kami na ang pagmamakasal ay sa pagitan ng lalaki at babae. Inutos ng Dios na walang ibang pagsasama ng taimtim na mamgyayari maliban na sila ay maikasal. Naniniwala kami na lahat ng klase ng homoskswalidad,tomboy o mga lesbiyanan,o sa kalagitnaan, silahis, pakikiapid or pangangalunya at pornograpiya ay kasalanan at paninira sa regalo ng Dios tungkol sa pagsasama. Naniniwala kami na tinatanggihan ng Dios ang anumang pagpapalit ng kasarian or itsura sa pamamagitan ng pagoopera,

Hindi kami naniniwala o sumasangayon sa gap theory. (Na may marami pang pangyayari sa pagitan ng Versikulo uno at Versikulo Dos ng Genesis. Marami ang mga taong naniniwala ditto. Kami sa Amazing Grace Baptist Church ay hindi naniniwala dito.

Genesis 1:1
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

Genesis 1:11
At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.

Genesis 1:24
At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.

Genesis 1:26-27
26. At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.
27. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

Genesis 2:21-23
21. At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon:
22. At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake.
23. At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha.

Exodo 20:11
Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

Nehemias 9:6
Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

Jeremias 10:12
Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:

Juan 1:3
Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha.

Mga Gawa 4:24
Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang tumawag nang malakas sa Diyos at kanilang sinabi: Ikaw na May-ari ng lahat, ikaw ang Diyos na gumawa ng langit at lupa at ng dagat at ng lahat ng mga naroroon.

Mga Gawa 17:23-26
23. Ito ay sapagkat sa aking paglalakad at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba ay nakakita ako ng isang dambana. Doon ay may nakaukit na ganito: SA ISANG DIYOS NA HINDI KILALA. Siya na inyong sinasamba bagaman hindi ninyo nakikilala, siya ang aking ipinangangaral sa inyo.
24. Ang Diyos na lumikha ng sanlibutan at ng lahat na narito ay ang Panginoon ng langit at lupa. Hindi siya tumitira sa mga banal na dako na ginawa ng mga kamay.
25. Hindi rin naman siya pinaglilingkuran ng mga kamay ng mga tao na para bang nangangailangan siya ng anumang bagay. Hindi, siya mismo ang nagbibigay sa lahat ng buhay at ng hininga at ng lahat ng mga bagay.
26. Ginawa niya mula sa isang dugo ang bawat bansa ng mga tao upang manahan sa ibabaw ng buong lupa. Itinakda na niya nang una pa ang mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang pananahanan.

Mga Taga-Roma 1:20
Ito ay sapagkat ang hindi nakikitang mga bagay patungkol sa Diyos, simula pa sa paglikha ng sanlibutan, ay malinaw na nakikita na nauunawaan ng mga bagay na nalikha, kahit ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kaya nga, wala na silang anumang maidadahilan.

Mga Taga-Colosas 1:16-17
16. Ito ay sapagkat sa pamamagitan niya, nilalang ang lahat ng mga bagay na nasa langit at mga bagay na nasa lupa, mga bagay na nakikita o hindi nakikita. Ito man ay mga luklukan, o mga paghahari, o mga pamunuan, o mga pamamahala. Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para sa kaniya.
17. At siya ay nauna sa lahat ng bagay at sa pamamagitan niya ay nananatiling buo ang lahat ng mga bagay.

Hebreo 11:3
Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin ang mga ito. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan sa pamamagitan ng salita na kaniyang sinabi. Kaya mula sa mga bagay na hindi makikita ng sinuman, inihanda niya ang mga bagay na nakikita.

Pahayag 10:6
Siya ay sumumpa sa pamamagitan niya na nabubuhay sa magpakailan pa man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroon, ang lupa at ang mga bagay rito, ang dagat at ang mga bagay rito at sinabi ng anghel: Hindi na maaaring ipagpaliban pa.

6. Sa Pagkabagsak ng Tao

Naniniwala kami na ang tao ay nilikha ng kanyang manlalalang, ngunit sa sariling pagkakasala ay nahulog mula sa masaya at walang kasalanang katayuan, ang dahilan rin kung saan ang lahat ng tao ay nagging makasalanan, hindi sa pagpipigil kundi sa sariling dissiyon ay naparusahan.Nagkaruon tau ng kasalanan at kamatayan dahil sa pagsuway na pagkakasala.At ito ay nangyayari parin sa mga pamilya dahil sa di pagsunod sa sinasabi ng Dios.

Genesis 3:1-6
1. Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?
2. At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
3. Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay.
4. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
5. Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
6. At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain.

Genesis 3:24
Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.

Ezekiel 18:19-20
19. Gayon ma'y sinasabi ninyo, Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay.
20. Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

Mga Taga-Roma 1:18
Ngayon, nahayag mula sa langit ang galit ng Diyos laban sa lahat ng kawalang pagkilala sa Diyos at hindi pagiging matuwid ng mga tao. Kanilang pinipigil ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang hindi pagiging matuwid.

Mga Taga-Roma 1:20
Ito ay sapagkat ang hindi nakikitang mga bagay patungkol sa Diyos, simula pa sa paglikha ng sanlibutan, ay malinaw na nakikita na nauunawaan ng mga bagay na nalikha, kahit ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kaya nga, wala na silang anumang maidadahilan.

Mga Taga-Roma 1:28
At ayon sa pinagpasiyahan nilang huwag mapasa-kaalaman nila ang Diyos, hinayaan na sila ng Diyos sa kaisipang taliwas upang gawin nila ang mga bagay na hindi karapat-dapat.

Mga Taga-Roma 1:32
Alam nila ang matuwid na kautusan ng Diyos, na ang mga gumagawa ng ganitong mga bagay ay nararapat sa kamatayan. Hindi lang sa kanila na gumagawa ng mga ito, kundi sa kanila rin na sumasang-ayon pa sa mga gumagawa ng mga ito.

Mga Taga-Roma 3:10-19
10. Ito ay ayon sa nasusulat: Walang sinumang matuwid, wala kahit isa.
11. Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos.
12. Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.
13. Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan. Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya. Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila.
14. Ang mga bibig nila ay puno ng pagsumpa at mapait na mananalita.
15. Ang mga paa nila ay mabilis sa pagbuhos ng dugo.
16. Pagkawasak at paghihirap ang nasa kanilang mga landas.
17. Hindi nila alam ang landas ng kapayapaan.
18. Ang pagkatakot sa Diyos ay wala sa kanila.
19. Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan ay sinasabi sa kanila na nasa ilalim ng kautusan upang patigilin ang bawat bibig at ang buong sanlibutan ay mananagot sa Diyos.

Mga Taga-Roma 5:12
Sa kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat.

Mga Taga-Roma 5:19
Ito ay sapagkat sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging mga makasalanan. Sa gayunding paraan, sa pagsunod ng isang tao, marami ang magagawang matuwid.

Mga Taga-Galacia 3:22
Subalit ang hangganang itinakda ng kasulatan ay, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kasalanan upang ang pangako na dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa lahat ng mga nananampalataya.

Mga Taga-Efeso 2:1
At patungkol sa inyo, kayo ay dating mga patay na sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan.

Mga Taga-Efeso 2:3
Tayo noon ay nag-asal na kasama nila ayon sa mga nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang nasa ng laman at ng mga kaisipan. Tayo rin ay likas na mga anak na kinapopootan tulad ng iba.

7. Sa Pagpapanganak ng Birhen

Naniniwala kami na si Jesus ay kasagutan sa mga propesiya ni Isaias sa pagdating ng Messias. Na siya ang nilalaman at kasagutan ng pangako. Nang sinanbi ni Juan Bautista “Ang Anak ng Dios!”

Naniniwala kami na si Jesu Cristo ang bugtong ng Banal na Espiritu sa mirakulong paraan;pinanganak ni Maria, na isang birhen, na walang sino mang tao hindi maipanganak mula sa babae, at Siya ay Anak ng Dios at Dios Anak.

Genesis 3:15
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

Mga Awit 2:7
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.

Isaias 7:14
Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.

Mateos 1:18-25
18. Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
19. At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
20. Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
21. At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
22. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
23. Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
24. At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;
25. At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.

Marcos 1:1
Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios.

Lucas 1:35
At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.

Juan 1:14
At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Mga Taga-Galacia 4:4
Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan,

I Mga Taga-Corinto 15:47
Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.

I Juan 5:20
Alam nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng pang-unawa upang makilala natin siya na totoo. Tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

8. Sa Pagpapatawad ng Kasalanan

Kami naniniwala sa kaligtasan ng makasalanan sa grasya; sa pamamagitan ng Anak ng Dios na sa disenyo ng Ama, kinuha nya ng Malaya an gating katayuan, kahit walang kasalanan, sinunod ang batas at sa pamamagitan ng pagsunod, at sa pamamgitan ng kanyang kamatayan binayaran ang ating kasalanan. Na ang kanyang pagbabayad ay hindi laman pagpapakita ng kanyang ehemplo sa kamatayan bilang martir, kundi boluntaryo na ipinalit and sarili sa lugar ng mga makasalanan, Ang matuwid namatay para sa mga hindi matuwid, Kristo,Panginoon, idinala an gating kasalanan sa kanyang katawan. At sa kanyang pagkabuhay mula sa mga patay.Siya na ngayon ay inilukluk sa trono sa langit at ipinagsama ang kanyang katauhan sa makalangit na perpeksyon.Siya na ngayon ang katangitangi at kuwalipikado na mapagpamahal sa Tagapagligtas.

Isaias 53:4-7
4. Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. .
7. Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

Isaias 53:11
11. Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
12. Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang.

Mateo 18:11
Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala

Juan 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 10:18
Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama.

Mga Gawa 15:11
Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesucristo tayo ay naniniwala na maliligtas tayo, gaya rin naman nila.

Mga Taga-Roma 3:24-25
24. Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa
25. Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

Mga Taga-Galacia 1:4
Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:

Mga Taga-Efeso 2:8
Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;

Mga Taga-Filipos 2:7-8
7. Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao.
8. Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
Hebreo 2:14
Yamang ang mga anak ay may laman at dugo, siya din naman ay nakibahagi ng ganoon, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapawalang-bisa ang diyablo na siyang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan.

Hebreo 7:25
Kaya nga, ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya ay maililigtas niya nang lubusan, yamang siya ay nabubuhay magpakailanman upang siya ay mamagitan sa kanila.

Hebreo 9:12-15
12. Pumasok siya, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo. At nang maganap na niya ang walang hanggang katubusan,
13. Ang dugo ng mga toro at ng kambing at ang abo ng dumalagang baka, na iwiniwisik doon sa mga marurumi, ay nagpapabanal sa ikalilinis ng laman.
14. Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.
15. Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.

Hebreo 12:2
Ituon natin ang ating mga mata kay Jesus na siya ang nagpasimula at nagpapaging-ganap ng ating pananampalataya. Siya ay nagbata ng krus alang-alang sa kagalakang itinalaga sa kaniya at hinamak niya ang kahihiyan. Pagkatapos ay umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.

9. Sa Grasya sa Bagong Pagkalikha

Nainiwala kami na pra upang maligtas, ang makasalanan ay kailangan maipanganak muli; na ang Bagong panaganak ay isang bagong nilikha kay Hesu Kristo;Na ito ay kaagad agad at hindi isang proseso; na ang bagong pagpanganak ang isang patay sa kasalanan ay ginanwang kabilang sa makalangit na katayuan ang nakatanggap ng kaligtasan, ang walang bayad na regalo ng Dios.Na ang pagiging bagong nilalang ay hindi sa pamamagitan ng ating kaalaman, kultura, karakter, o kalooban ng tao kundi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu kasama ng katotohanan sa pagsunod sa salita.

Lucas 5:27
At pagkatapos ng mga bagay na ito, siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.

Juan 1:12-13
12. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
13. Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.

Juan 3:3
Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

Juan 3:6
Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu. nga.

Juan 3:7
Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak. na muli.

Mga Gawa 2:41
Kaya ang mga tumanggap ng kaniyang salita na may kasiyahan ay nabawtismuhan. At sa araw na iyon, nadagdag sa kanila ang may tatlong libong kaluluwa.

Mga Taga-Roma 6:23
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

II Mga Taga-Corinto 5:17
Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.

II Mga Taga-Corinto 5:19
Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.

Mga Taga-Galacia 5:22
Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

Mga Taga-Efeso 2:1
At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,

Mga Taga-Efeso 5:9
Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan,

Mga Taga-Colosas 2:13
Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang.

1 Juan 5:1
Ang sinumang sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din naman sa kaniya na ipinanganak niya.



10. Ang Kaligtasan ay Regalo ng Dios

Naniniwala kami sa grasya ng Dios; na ang biyaya ng kaligtasan ay ginawang walang bayad para sa lahat; na ito ay katungkulang ng lahat upang tanggapin sya na boluntaryo sa pagsunod sa pananampaltaya sa kanya;At walang makapipigil sa kaligtasan ng makasalanan ng kanya’y tanggapin ang Tagapagligtas kundi ang hindi pagtanggap lamang. Napanga simple laman. Ang isang bata ay pweding sumampalataya ganun din ang sinoman. Ang regalo ay walang bayad.

Isaias 55:1
Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad.

Mateo 11:28
Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.

Juan 3:15-18
15. Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.
16. Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
. 17. Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18. 18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

Juan 3:36
Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.

Juan 5:40
At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.

Juan 6:37
Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.

Mga Gawa 2:38
Sinabi ni Pedro sa kanila: Magsisi kayo at magpabawtismo sa pangalan ni Jesucristo patungkol sa pagpapatawad ng inyong mga kasalanan. At tatanggapin ninyo ang kaloob na Banal na Espiritu.

Mga Taga-Roma 8:29-30
29. Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:
30. At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya.

Mga Taga-Roma 10:13
Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

I Mga Taga-Corinto 15:10
Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.

Mga Taga-Efeso 2:4-5
4. Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
5. Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),

Mga Taga-Colosas 3:12
Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magsuot kayo ng pusong maawain, ng kabutihan, kapakumbabaan ng pag-iisip, ng kaamuan at pagtitiyaga.

I Mga Taga-Tesalonica 1:4
Alam namin, mga minamahal na kapatid, na kayo ay hinirang ng Diyos.

I Kay Timoteo 1:15
Narito ang isang mapagkakatiwalaang pananalita at karapat-dapat na lubos na tanggapin: Si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakapusakal sa mga makasalanan.

Kay Tito 1:1
Akong si Pablo ay alipin ng Diyos at apostol ni Jesucristo ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos. Ayon sa kaalaman ng katotohanan at ayon sa pagkamaka-Diyos.br>
Kay Tito 3:5
Nang mahayag ito, iniligtas niya tayo, hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating ginawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan. Ito ay sa pamamagitan ng muling kapanganakang naghuhugas sa atin at sa pamamagitan ng Banal na Espiritung bumabago sa atin.

Isaias 64:6
Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.

I Pedro 1:2
Elect according to the foreknowledge of God the Father, through sanctification of the Spirit, unto obedience and sprinkling of the blood of Jesus Christ Grace unto you, and peace, be multiplied.

Pahayag 22:17
At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.

11. Sa pagiging matuwid

Naniniwala kami na ang dakilang mensahe ay pagpapala na ibinigay ni Kristo na ang sinomang sumampalataysa sa kanya ay pinagiging matuwid.Na ang pagiging matuwid sa pananampalataya kay Kristo ay kabilang ang pagpapatawad ng kasalanan ang regaling buhay na walang hanggan sa prisnsipyo ng katuwiran. Na ito ay binigay hindi sa pamamagitan ng gawa natin kundi sa pananampalataya at sa pamamagitan ng dugo ng Tagapagligtas ang kanyang katuwiran ay ibinigay sa atin.

Isaias 53:11
Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

Habakkuk 2:4
Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.

Zechariah 13:1
Sa araw na yaon ay mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem, sa kasalanan, at sa karumihan.

Mga Gawa 13:39
Sa pamamagitan niya, ang lahat ng sumasampalataya ay pinaging-matuwid sa lahat ng bagay. Sa mga bagay na ito ay hindi kayo maaaring mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

Mga Taga-Roma 1:11
At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;

Mga Taga-Roma 4:11
What shall we say then that Abraham our father, as pertaining to the flesh, hath found?

Mga Taga-Roma 5:1-9
1. Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;
2. Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.
3 At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
4. At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:
5. At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.
6. Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.
7. Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.
8. Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.
9. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

Mga Taga-Roma 8:1
Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Galacia 3:11
Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.

Kay Tito 3:5-7
5. Nang mahayag ito, iniligtas niya tayo, hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating ginawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan. Ito ay sa pamamagitan ng muling kapanganakang naghuhugas sa atin at sa pamamagitan ng Banal na Espiritung bumabago sa atin.
6. Masagana niyang ibinuhos ang Banal na Espiritu sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas.
7. Ginawa niya ito upang sa pagpapaging-matuwid sa atin, sa pamamagitan ng biyaya at ayon sa pag-asa, tayo ay maging tagapagmana ng buhay na walang hanggan.

Hebreo 10:38
Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

12. Sa Pagpapatawad at Pananampalataya

Naniniwala kami sa paghingi ng kapatawaran at Pananampalataya ay obligasyon, ito rin ay hindi maipaghihiwalay na grasya, kaya bilang na nahatulan ng pagkakasala,kasamaan at pangangailangan ng tulong,ang tanging daan ay si Kristo,tayo ay lumingon sa Dios na may pagsisisi at pagsasamo at awa at sa parehong oras ay buong pusong tumatanggap sa Panginoong Hesu Kristo ay nagsisi sa kasalanan ay nagging tagapagligtas natin.

Mga Awit 51:1-4
1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka.

Mga Awit 51:7
Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.

Isaias 55:6-7
6. Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:
7. Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana.

Marcos 1:15
At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.
Lucas 12:8
At sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Dios:

Lucas 18:13
Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.

Mga Gawa 2:37-38
37 Nang marinig nga nila ito, nabagabag ang kanilang mga puso. Sinabi nila kay Pedro at sa ibang mga apostol: Mga kapatid, ano ang gagawin namin?
38 Sinabi ni Pedro sa kanila: Magsisi kayo at magpabawtismo sa pangalan ni Jesucristo patungkol sa pagpapatawad ng inyong mga kasalanan. At tatanggapin ninyo ang kaloob na Banal na Espiritu.

Mga Gawa 20:21
Pinatototohanan ko sa mga Judio at sa mga Griyego ang pagsisisi sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.

Mga Taga-Roma 10:9-11
9 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.
11 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.

Mga Taga-Roma 10:13
Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

13. Sa Simbahan

Naniniwala kami na ang mga Baptist Church ay isang congregasyon ng mga mananampalatayang nabautismuhan na may kovenante ng pananampalataya at pakikipaghalubilo sa mga nak ng Dios sa mabuting balita,Ang simbahan ay isang nagapagtaas ng walang hanggan buhay na grasya,na sinusunod ang ordinansa ng Panginoon,nasa ialalim ng Batas ng Dios,pinapamuhay ang regalo,karapatan, at pribileheyo na naipuhunan satin ng Salita ng Dios, na ang mga opisyal ng ordinasyon ay mga pastors o deacon na ang kalidad,pagkakaroon, at mga tungkulin ay nakasaad sa mga talata ng Dios.

Naniniwala kami na ang mga lalake at babae ay spiritual na pantay sa posisyon sa ilalim ng Dios at ang Dios ang nagordina sa hiwalay na espitwal na Gawain ng lalake at babae sa bahay at sa simbahan. Ang asawang lalake ang siyang nangunguna sa tahanan at ang hahawak sa katungkulang bilang pinuno (pastors at deacon) sa simbahan. Sa ganung paraan tanging mga lalake at may hawak at lisensya sa ordisyon para sa mga pastor sa simbahan.

Nainiwala kami na ang tunay na misyon ng simbahan say makikita sa Dakilang Comisyon: Una, ay para gawin disipolo ang bawat isa, pangalawa, ay itayo ang simbahan; Pangatlo, ay magturo and magbigay ng panuntunan sa kung anu ang Inutos ng Dios. Hindi kami naniniwala sa pagkakapalit ng mga ito, hinahawakan naming na ang local na simbahan ay may tunay na karapatan sa pagkakaruon ng sariling gobyerno, Malaya sa pagsalungat ng isang mataas na indibidwal o organisasyon; at ang nagiisa at tanging namumuno ay si Kristo mula sa Banal na espiritu; na it ay nasusulat para sa lahat ng simbahan na magkaisa sa pagtayo sa pananampalataya at sa pagpapalago at pagpapahayag ng Mabuting Balita.Na ang bawat simbahan ay may kanya kanyang paraan ng kooperasyon, sa paraan ng pagiging miyenbro, polisiya,gobyerno,disiplina at pagpapasalamat. Ang kalooban ng simbahan ay pinal. Ang mga simbahan ay responsible sa kanyang programa.

Leviticus 27:31
At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.

Malakias 3:10
In that day, saith the LORD of hosts, shall ye call every man his neighbour under the vine and under the fig tree.

Mateo 28:19-20
19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Mga Gawa 2:41-42
41. Kaya ang mga tumanggap ng kaniyang salita na may kasiyahan ay nabawtismuhan. At sa araw na iyon, nadagdag sa kanila ang may tatlong libong kaluluwa.
42. Sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pagkikipag-isa, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.

Mga Gawa 6:5-6
5. Ang sinabing ito ay nakalugod sa buong karamihan. Pinili nila si Esteban, isang lalaking puspos ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu. Pinili rin nila sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas at Nicolas na taga-Antioquia na naging Judio.
6. Iniharap nila ang mga ito sa mga apostol. Pagkatapos manalangin, ipinatong ng mga apostol ang kanilang mga kamay sa kanila.

Mga Gawa 14:23
Nang makapagtalaga na sila ng mga matanda sa bawat iglesiya, at nang makapanalangin na may pag-aayuno, sila ay kanilang itinagubilin sa Panginoon na kanilang sinampalatayanan.

Mga Gawa 15:22-23
22. Nang magkagayon, minabuti ng mga apostol at ng mga matanda gayundin ng buong iglesiya na humirang ng mga lalaking mula sa kanila upang suguin sila sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Sila ay sina Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas na mga tagapanguna sa mga kapatid.
23. Sumulat sila ng ganito: Kaming mga apostol, mga matanda at mga kapatid ay bumabati sa inyo na aming mga kapatid na nasa mga Gentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia.

Mga Gawa 20:17-28
17. Mula sa Mileto ay nagsugo siya sa Efeso. Ipinatawag niya ang mga matanda sa iglesiya.
18. Nang makarating ang mga ito sa kinaroroonan niya, sinabi niya sa kanila: Nalalaman ninyo simula pa sa unang araw na tumungtong ako sa Asya kung papaano ako namuhay kasama ninyo sa buong panahon.
19. Ako ay naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip at ng maraming luha. Dumaan ako sa mga mabigat na pagsubok dahil sa mga sabwatan ng mga Judio.
20. Nalalaman ninyo na wala akong ipinagkait na anumang bagay na mapapakinabangan ninyo. Nagturo ako sa inyo ng hayagan at sa bahay-bahay.
21. Pinatototohanan ko sa mga Judio at sa mga Griyego ang pagsisisi sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.
22. Ngayon, narito, ako ay nabibigatan sa espiritu na pumunta sa Jerusalem. Hindi ko alam ang mga bagay na mangyayari sa akin doon.
23. Ang tanging alam ko, sa bawat lungsod ay pinatotohanan ng Banal na Espiritu, na sinasabing ang mga tanikala at mga paghihirap ang naghihintay sa akin.
24. Ngunit hindi ko inaalala ang mga bagay na iyon ni hindi ko itinuturing ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga. Nang sa gayon ay matapos ko ang aking takbuhin na may kagalakan at ang paglilingkod na tinanggap ko sa Panginoong Jesus upang magpatotoo sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
25. Ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat na nalibot ko, upang pangaralan sa paghahari ng Diyos, ay hindi na muli pang makakakita ng aking mukha.
26. Kaya ipinahahayag ko sa inyo sa araw na ito, na wala akong pananagutan sa dugo ng lahat ng tao.
27. Ito ay sapagkat hindi ako nagkulang na ipangaral sa inyo ang buong kalooban ng Diyos.
28. Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng Diyos na binili niya ng sarili niyang dugo.

I Mga Taga-Corinto 5:11-13
11. Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
12. Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?
13. Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

I Mga Taga-Corinto 6:1-3
1. Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal?
2. O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
3. Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito?

I Mga Taga-Corinto 11:2
Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo.

I Mga Taga-Corinto 12:4
Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu.

I Mga Taga-Corinto 12:8-11
8. Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu:
9. Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.
10. At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika.
11. Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

I Mga Taga-Corinto 16:1-2
1. Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2. Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

Mga Taga-Efeso 1:22
At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,

Mga Taga-Efeso 4:11
At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro;

Mga Taga-Efeso 5:23-24
23 Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.
24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

Mga Taga-Colosas 1:18
At siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya. Siya ang pasimula, ang panganay mula sa mga patay upang siya ang maging kataas-taasan sa lahat ng bagay.

1 Kay Timoteo 3:1-13
1. Ang pananalitang ito ay mapagkakatiwalaan. Kung ninanais ng sinuman ang gawain ng isang tagapangasiwa, nagnanais siya ng isang magandang gawain.
2. Ang tagapangasiwa ay dapat na walang maipupula, iisa lang ang asawa, mapagpigil, ginagamit nang maayos ang pag-iisip, may magandang asal, bukas ang tahanan sa mga panauhin at makakapagturo.
3 Siya ay hindi dapat na manginginom ng alak, hindi palaaway, hindi gahaman sa maruming kapakinabangan, subalit mahinahon at mapayapa at hindi maibigin sa salapi.
4 Dapat na pinamamahalaan niya nang mabuti ang kaniyang sariling tahanan, na ang kaniyang mga anak ay nagpapasakop na may karapat-dapat na ugali.
5 Kapag ang isang lalaki ay hindi marunong mamahala ng kaniyang sariling sambahayan, papaano niya mapangangalagaan ang iglesiya ng Diyos?
6 Hindi siya dapat baguhang mananampalataya, at baka kung siya ay magmayabang ay mahulog sa hatol ng Diyos na inihatol niya sa diyablo.
7. Dapat na may mabuti siyang patotoo sa mga taga-labas. Kung wala siya nito, baka siya ay mahulog sa pangungutya at sa bitag ng diyablo.
8. Gayundin naman, ang mga diyakono ay dapat na may karapat-dapat na pag-uugali. Hindi madaya, hindi nagpapairal sa alak, hindi gahaman sa maruming kapakinabangan.
9. Dapat na manangan sila sa hiwaga ng pananampalataya na taglay ang isang malinis na budhi.
10. Subukin muna sila. Kung walang anumang maipaparatang sa kanila, hayaan silang maglingkod.
11. Ang mga babae naman ay dapat na may karapat-dapat na pag-uugali. Hindi mapanirang puri, ginagamit nang maayos ang pag-iisip, at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
12. Ang bawat diyakono ay dapat na asawa ng isang babae at pinamamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at kanilang sambahayan.
13. Ito ay sapagkat ang mga nakapaglingkod nang mahusay bilang diyakono ay nagtatamo ng isang mabuting tungkulin at ng dakilang kalakasan ng loob sa pananampalataya na na kay Cristo Jesus.

14. Sa Bautismo at Hapunan ng Panginoon

Naniniwala kami sa bautismo ng mga Kristyano sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ng mga mananampalataya, sa pangalang ng Ama,ng Anak, at ng Espirutu Santo, sa otoridad ng local na simbahan para ipakita sa pagiging taimtim at magandang Gawain ng pananampalataya sa napako ang nabuhay naman mula na tagapagligtas.Na namatay mula sa ating kasalanan ang nabuhay naman muli sa bagong buhay, na ito ang pribiliheyo ng simbahan. At sa Banal na hapunan ng Panginoon, na kung saan ang mga miyembro ng simbahan sa paggamit ng sagradong tinapay at inumin sa katas ng prutas ay maipahayag ng samasama ang walang kapantay na pagibig ni Kristo, inuunahan ito lagi sa pagsasaliksik ng sarili. Ang prutas na gagamitin ay unfermented na katas ng ubas na nagpapahay ng hindi nasisira na dugo ni Krsito na nabuhos para satin. Ang tinapay ay kailangang tinapay na walang libadora o pampaalsa na nagpapahayag ng hindi nasisira na katawan ni Kristo na namatay para satin.

Mateo 3:6
At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.

Mateo 3:16
At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

Mateo 28:19-20
19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Juan 3:23
At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.

Mga Gawa 2:41-42
41. Kaya ang mga tumanggap ng kaniyang salita na may kasiyahan ay nabawtismuhan. At sa araw na iyon, nadagdag sa kanila ang may tatlong libong kaluluwa.
42. Sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pagkikipag-isa, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.

Mga Gawa 8:36-39
36. Sa pagpapatuloy nila sa paglalakbay, nakarating sila sa isang dako na may tubig. Sinabi ng kapon: Narito, may tubig dito. Ano ang makakahadlang upang ako ay hindi mabawtismuhan?
37. Sinabi ni Felipe: Kung sumasampalataya ka nang buong puso ay maaari kang bawtismuhan. Ang lalaki ay sumagot at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay ang Anak ng Diyos.
38. Iniutos niyang itigil ang karwahe. Sila ay kapwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang lalaki. Binawtismuhan siya ni Felipe.
39. Nang umahon sila sa tubig, si Felipe ay inagaw ng Espiritu ng Panginoon. Hindi na siya nakita ng lalaking kapon. Gayunman, siya ay nagpatuloy sa kaniyang paglalakbay na nagagalak.

Mga Taga-Roma 6:3-5
3. O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
4. Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
5. Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;

I Mga Taga-Corinto 11:23-28
23. Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
24. At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
25. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
26. Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
27. Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28. Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.

Mga Taga-Colosas 2:12
Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.

15. . Sa Pagpapagal ng mga Santo o mananampalataya

Naniniwala kami na mayroong tunay na mananampalataya na nanatili hangang sa wakas, na ang kanilang pagpapagal ay ang pakamalapit nila kay Kristo ay dakilang Marcosa na nagpapakita sa kanila bilang mga matataas na tagapagturo; na may espesyal na Dakilang Tagapagbigay ang tumitingin sa kanilang mga pangangailangan; at sila ay tinatago sa kapangayarihan ng Dios sa pananampalataya sa walang hangang kaligtasan. Na walang sinomang makaaalis sa kanila sa kamay ng Dios.

Mga Awit 121:3
Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.

Mateo 6:20
Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

Mateo 13:19-21
19. Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.
20. At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y tinatanggap ito ng buong galak;
21. Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya.

Juan 8:31-32
31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;
32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

Juan 10:28-29
28. At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.
29. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.

Juan 16:8
At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:

Mga Taga-Roma 8:28
At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Mga Taga-Roma 8:35-39
35. Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36. Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37. Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38. Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39. Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Mga Taga-Filipos 1:6
Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal:

Mga Taga-Colosas 1:21-23
21. At kayo na dating banyaga at mga kaaway ng Diyos dahil sa inyong pag-iisip at dahil sa inyong masasamang gawa ay ipinagkasundo ngayon.
22. Ito ay sa katawan ng kaniyang laman sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan upang kayo ay maiharap na banal at walang kapintasan at walang maipaparatang sa kaniyang paningin.
23. Ito ay kung manatili kayo sa pananampalataya na matatag at matibay at hindi malilipat mula sa pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig at ito ang ipinangaral sa bawat nilalang na nasa silong ng langit. Akong si Pablo ay ginawang tagapaglingkod ng ebanghelyong ito.

Hebreo 1:14
Hindi ba silang lahat ay mga espiritung naglilingkod na sinugo upang maglingkod para sa mga magmamana ng kaligtasan?

I Pedro 1:5
Ang kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya, para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa huling panahon.

I Juan 2:19
Humiwalay sila sa atin subalit hindi sila kabilang sa atin sapagkat kung talagang kabilang sila sa atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila upang mahayag na silang lahat ay hindi kabilang sa atin.

16. Sa mga Matutuwid at mga Makasalanan

Naniniwala kami na may mga radikal at kinailangan mga diperensya sa pagitan ng mga mautwid at makasalanan; na kung saan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya ay nagiging matuwid sa pangalan ng Panginoong Hesus at pinagiging banal sa Espiritu ng Dios, habang ang lahat ay nagpapatuloy sa isang maling paghingi ng tawad at maling paniniwala ay sa paningin Niya ay makasalanan at nasa ilalim ng sumpa, at ang kasariang ito ang humahawak sa mga tao hangang sa kamatayan.

Genesis 18;23
At lumapit si Abraham, at nagsabi, Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama??

Mga Kawikaan 11:31
Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!

Mga Kawikaan 14:32
Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.

Malaki 3:18
Then shall ye return, and discern between the righteous and the wicked, between him that serveth God and him that serveth him not.

Matthew 7:13-14
13 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.
14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

Mateo 25:34
Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:

Lucas 9:26
Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.

Lucas 16:25
Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.

Juan 8:21
Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.

Juan 12:25
Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.

Mga Gawa 10:34-35
34. Ibinukas ni Pedro ang kaniyang bibig at nagsabi: Totoo ngang naunawaan kong ang Diyos ay hindi nagtatangi ng mga tao.
35. Subalit sa bawat bansa ang taong may takot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaniyang tinatanggap.

Mga Taga-Roma 1:1
Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios,

Mga Taga-Roma 6:16-18
16. 16 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?
17. Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;
18. At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.

Mga Taga-Roma 6:23
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Mga Taga-Roma 7:6
Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.

I Mga Taga-Corinto 15:22
Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.

Mga Taga-Galacia 3:10
Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.

I Pedro 4:18
At kung ang kaligtasan ay mahirap para sa matuwid, ano kaya ang magiging kalagayan ng hindi kumikilala sa Diyos at ng makasalanan?

I Juan 2:7
Mga kapatid, hindi ako sumusulat ng bagong utos sa inyo kundi ang dating utos na inyong tinanggap mula pa noong una. Ang dating utos ay ang salita na inyong narinig buhat pa sa pasimula.

I Juan 2:29
Kung inyong nalalaman na siya ay matuwid, inyong nalalaman na ang bawat gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak mula sa Diyos.

I Juan 5:19
Nalalaman natin na tayo ay sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa kamay ng masama.

17. Sa Sibil na Gobyerno

Naininiwala kami sa Sibil na Gobyerno na ito ay Dakilang ipinagkaloob para sa interes at magandang pamamahala ng mga tao sa lipunan.Na ang mga na tungkulan ay dapat ipinanalangin, bigyan ng respeto at sundin, maliban nalang sa mga bagay na hindi sumasangayon sa Kalooban ng Panginoong Hesus Kristo, na sya ang tanging Panginoon ng konsensya at ang darating naming muli na Prinsipe ng mga Hari ng mundo.

Exodo 18:21-22
21 Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:
22. At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo.

II Samuel 23:3
Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,

Mga Awit 72:11
Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.

Daniel 3:17-18
17. Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari.
18. Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.

Mateo 10:28
At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Mateo 22:21
Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.

Mateo 23:10
Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.

Mga Gawa 4:19-20
19. Ngunit sina Pedro at Juan ay sumagot at sinabi sa kanila: Kung magiging matuwid sa harapan ng Diyos na pakinggan namin kayo nang higit kaysa Diyos, kayo ang hahatol.
20. Ito ay sapagkat hindi namin mapigilang sabihin ang patungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.

Mga Gawa 23:5
Sinabi ni Pablo: Mga kapatid, hindi ko nalalaman na siya ay pinakapunong-saserdote sapagkat nasusulat: Huwag kang magsasalita ng masama patungkol sa pinuno ng iyong mga tao.

Mga Taga-Roma 13:7
Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

Mga Taga-Filipos 2:10-11
10. Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa.
11. Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

Kay Tito 3:1
Ipaala-ala mo na sila ay magpasakop sa mga pinuno at sa mga may kapamahalaan. Maging masunurin at maging handa sa paggawa ng mabubuti.

I Pedro 2:13-14
13. Magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon. Magpasakop kayo maging sa hari na siyang pinakamataas na pinuno.
14. Magpasakop kayo maging sa mga gobernador na waring mga sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng matuwid.

I Pedro 2:17
Igalang ninyo ang lahat ng tao. Ibigin ninyo ang mga kapatid. Matakot kayo sa Diyos at igalang ninyo ang hari.

18. Sa Pagkabuhay at Pagbabalik ni Kristo na may relasyon sa mga pangyayari.

Naniniwala kami at tinatanggap ang mga Kasulatan sa kanilang mga sinasabi at mga katuruan. Sa Pagkabuhay.Naniniwala kami na si Kristo ay nabuhay namanmuli sa ikatlong araw ayon sa Banal na Kasulatan na pumaroon sa kanang kamay ng trono ng Dios. Na siya ang tanging maawain at tapat na kataas taasang Pari sa lahatng bagay ukol sa Dios. Na si Hesus na naparoon sa itaas sa langit ay ay babalik muli katulad ng pagkakita sa kanya habang pumaroon sa langit. Na may katawan,personal at nakikita;At ang mga namatay kay Kristo ang unang mabubuhay sa Panginoon at kanyang kukunin kasunod ang mga buhay na mananampalataya at lahat ay babaguhin sa isang kisap mata, sa pagtunog ng trumpeta ay silay babaguhin

  • Naparito si Kristo sa pamamagitan ng birhen
  • Mabuhay ng walang kaslanan
  • Sinala at sinentensyanhan
  • Pinako sa krus kung saan namatay sa ating Kasalanan
  • Sa ikatlong araw ay nabuhay naman muli sa mga patay
  • Tayo ay nahihintay sa kanyang Pagbabalik sa alapaap
  • At kanyang kukunin ang simbahan(Ang mga mananampalataya)
  • 7 taong tribulasyon kung saan si Satanas ang nangunguna sa mundo
  • At sa pagbalik ni Hesus sa mundo sa Bundok ng Dios at talunin ang mga sundalo ni anti Krsito sa labanan sa Armageddon
  • Si Kristo ay itatayo ang kanyang trono sa isang libong taon
  • At sa pagtatapus ng Isang libong taong paghahari pakakawalan si Satanas mula sa kanyang pagkakagapos sa maikling panahon. At kanyang tutuksuin ang mga tao na ipinanganak sa oras na yun.
  • Sa bandang huli kamatayan at impyerno ay ibubulid sa lawa ng apoy.
Mga Awit 72:8
Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.

Isaias 11:4-5
4. Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.
5. At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.

Mateo 24:27
Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

Mateo 24:42
Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.

Mateo 28:6-7
6. Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.
7. At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.

Marcos 16:9
Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang pinalabas niya.

Lucas 1:3
Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;

Lucas 24:2
At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.

Lucas 24:4-6
4. At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit:
5. At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay?
6. Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa,

Lucas 24:39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

Lucas 24:51
At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.d it came to pass, while he blessed them, he was parted from them, and carried up into heaven.

Juan 14:3
At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Juan 20:27
Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.

Mga Gawa 1:9
Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila ay nakamasid, siya ay dinala paitaas. At ikinubli siya ng isang ulap sa kanilang paningin.

Mga Gawa 1:11
Sinabi ng dalawang lalaki: Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo at nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik din katulad ng pagpunta niya sa langit na inyong nakita.

I Mga Taga-Corinto 15:4
At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;

Mga Taga-Filipos 4:20
Ngayon, sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa.

I Thessalonians 4:16
Ito ay sapagkat ang Panginoon din ang siyang bababa mula sa langit na may isinisigaw na utos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos. Ang mga patay kay Cristo ay unang magbabangon.

I Kay Timoteo 2:5
Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Cristo Jesus.

Hebreo 2:17
Kaya kinakailangang matulad siya sa kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan upang sa kaniyang paglilingkod sa Diyos, siya ay maging mahabagin at matapat na pinakapunong-saserdote, upang siya ay maging kasiya-siyang hain sa mga kasalanan ng mga tao.

Hebreo 5:9
Nang siya ay naging ganap, siya ay naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan para sa lahat ng mga sumusunod sa kaniya.

Hebreo 8:1
Ngayon, ito ang buod ng mga bagay na sinasabi. Mayroon tayong gayong pinakapunong-saserdote na nakaupo sa kanan ng trono ng kamahalan sa mga kalangitan.

Hebreo 9:28
Sa ganoong paraan, upang batahin niya ang mga kasalanan ng marami, inihandog ni Cristo ang kaniyang sarili nang minsan lamang. Siya ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon doon sa mga masiglang naghihintay sa kaniya hindi upang batahin ang kasalanan kundi para sa kaligtasan.

Hebreo 12:2
Ituon natin ang ating mga mata kay Jesus na siya ang nagpasimula at nagpapaging-ganap ng ating pananampalataya. Siya ay nagbata ng krus alang-alang sa kagalakang itinalaga sa kaniya at hinamak niya ang kahihiyan. Pagkatapos ay umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.

19. Sa mga nagmimisyon

Ang tunay na nagmimisyon ay tunay at simple ang humayo sa buong mundo at ipangaral si Hesus: na namatay,inilibing at nabuhay naman muli. At babautismuhan sila sa pangalan ng Ama,ng Anak at ng Espiritu Santo. Turuan sila sa itinuturo ng Panginoon.

Mateo 28:18-20
18. At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Marcos 16:15
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

Juan 20:21
Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo..

Mga Gawa 1:8
Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu. Kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng lupa.

Mga Taga-Roma 10:13-15
13. Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
14. Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
15. 15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!

20. Sa Grasya ng Pagbibigay

Ang katuruan sa banal na kasulatan ay isa sa mga pundasyon ng Pananampalataya

II Mga Taga-Corinto 8:7
Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.

I Mga Taga-Corinto 16:2
Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

Under Grace we give, and do not pay, the tithe - "Abraham GAVE the tenth of the spoils,"

Hebreo 7:2
Ibinigay ni Abraham sa kaniya ang ikapu ng lahat ng nasamsam niya. Ayon sa kahulugan ng kaniyang pangalan, na una sa lahat ay ang hari ng katuwiran, siya rin naman ay hari ng Salem, na hari ng kapayapaan.

Hebreo 7:4
Ngayon, isipin natin kung gaano kadakila ang taong ito, na maging si Abraham na ating ninuno ay nagbigay sa kaniya ng ikapu sa kaniyang mga samsam.

Mateo 23:23
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

We are commanded to bring the tithe into the common treasury of the church.

Leviticus 27:30
"At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.”

"The tithe ... is the Lord's."

Malachi 3:10
Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in mine house, and prove me now herewith, saith the Lord of hosts, if I will not open you the windows of heaven, and pour you out a blessing, that there shall not be room enough to receive it.

In the New Testament it was the common treasury of the church.

Mga Gawa 4:3-35
3. Dinakip sila ng mga tao at ibinilanggo hanggang kinabukasan dahil noon ay gabi na.
4. Gayunman, marami sa nakarinig ng salita ang sumam-palataya. Ang kabuuang bilang ng mga lalaki ay umabot na nang halos limang libo.
5 Nangyari, kinabukasan, na nagtipun-tipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga guro ng kautusan.
6. Kasama dito sila Anas na pinakapunong-saserdote, at si Caifas, at si Juan, at si Alexandro, at ang lahat ng mga angkan ng mga pinunong-saserdote.
7. Pagkalagay nila sa kanila sa kalagitnaan, tinanong nila sila: Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo ginawa ito?
8. Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi sa kanila:
9. Mga pinuno ng mga tao at mga matanda ng Israel, sa araw na ito ay sinisiyasat ninyo kami sa mabuting gawa na ginawa sa lalaking lumpo, kung papaano siya gumaling.
10. Alamin ninyong lahat ito at ng lahat ng mga tao sa Israel: Ang lalaking ito ay nakatayo sa inyong harapan na magaling. Siya ay gumaling sa pamamagitan ng pangalan ni Jesucristo na taga-Nazaret na inyong ipinako sa krus, na ibinangon ng Diyos mula sa mga patay.
11. Siya ang: Bato na hinamak ninyo na mga tagapagtayo. Siya ang naging batong-panulok.
12. Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin.
13. Kanilang nakita ang katapangan nina Pedro at Juan at nalaman nilang sila ay mga lalaking hindi nakapag-aral at hindi naturuan. Nang makita nila ito, sila ay namangha at nakilala nilang sila ay nakasama ni Jesus.
14. Ngunit nang makita nilang nakatayong kasama nila ang lalaking pinagaling, wala silang masabing laban dito.
15. At inutusan nila silang lumabas sa Sanhedrin, sila ay nagsanggunian sa isa't isa.
16. Kanilang sinabi: Anong gagawin natin sa mga lalaking ito? Ito ay sapagkat tunay na ang tanyag na tanda na nangyari sa pamamagitan ng mga lalaking ito ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maikakaila.
17. Upang hindi na ito kumalat pa sa mga tao, bantaan natin sila na mula ngayon ay huwag nang magsalita sa kaninuman sa pangalang ito.
18. Tinawag nila sila at inutusang huwag nang magsasalita ni magtuturo sa pangalan ni Jesus kailanman.
19. Ngunit sina Pedro at Juan ay sumagot at sinabi sa kanila: Kung magiging matuwid sa harapan ng Diyos na pakinggan namin kayo nang higit kaysa Diyos, kayo ang hahatol.
20. Ito ay sapagkat hindi namin mapigilang sabihin ang patungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.
21. Nang mabantaan nila silang muli, sila ay pinalaya nila. Wala silang masumpungang paraan kung papaano nila sila maaaring parusahan dahil sa mga tao sapagkat niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Diyos dahil sa nangyari.
22. Ito ay sapagkat ang lalaking ginawan ng tanda ng pagpapagaling ay mahigit nang apatnapung taong gulang.
23. Nang sila ay pinalaya, pumunta sila sa mga kasamahan nila at kanilang iniulat ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga pinunong-saserdote at ng mga matanda.
24. Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang tumawag nang malakas sa Diyos at kanilang sinabi: Ikaw na May-ari ng lahat, ikaw ang Diyos na gumawa ng langit at lupa at ng dagat at ng lahat ng mga naroroon.
25. Sa pamamagitan ng bibig ng iyong lingkod na si David ay sinabi mo: Bakit sumisigaw sa poot ang mga bansa. Bakit nag-iisip ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
26. Ang mga hari ng lupa ay tumayo at ang mga pinuno ay nagtipun-tipon laban sa Panginoon at laban sa kaniyang Mesiyas.
27. Ito ay sapagkat totoong nagtipun-tipon sina Herodes at Pontio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang mga tao sa Israel. Ito ay upang labanan ang iyong Banal na Anak na si Jesus na iyong Mesiyas.
28. Nagtipun-tipon sila upang kanilang gawin ang itinakda ng iyong mga kamay nang una pa at ng iyong kalooban na dapat mangyari.
29. Ngayon Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga pagbabanta. Ipagkaloob mo sa amin na iyong mga alipin, na sa buong katapangan ay makapagsalita kami ng iyong salita.
30. Iunat mo ang iyong mga kamay upang magpagaling at ang mga tanda at mga kamangha-manghang gawa ay mangyari sa pamamagitan ng pangalan ng iyong Banal na Anak na si Jesus.
31. Nang sila ay makapanalangin na, ang dakong pinagtitipunan nila ay nauga at sila ay napuspos ng Banal na Espiritu at sinalita nilang may katapangan ang salita ng Diyos.
32. Ang malaking bilang ng mga sumampalataya ay nagkakaisa sa puso at sa kaluluwa. Walang sinuman sa kanila ang nagsabing ang mga bagay na tinatangkilik nila ay kanilang pag-aari. Sila ay nagbabahaginan sa lahat ng bagay.
33. Ang mga apostol ay nagpatotoo sa pagkabuhay-muli ng Panginoong Jesus na may dakilang kapangyarihan at ang dakilang biyaya ang sumakanilang lahat.
34. Walang sinuman sa kanila ang nangailangan sapagkat ipinagbili ng lahat na may mga tinatangkilik na mga lupa o mga bahay ang kanilang pag-aari. Kanilang dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili.
35. Inilagay nila ang mga ito sa paanan ng mga apostol at ang pamamahagi ay ginawa sa bawat tao ayon sa kaniyang pangangailangan.

Mga Gawa 4:37
Siya ay may lupain na nang kaniyang maipagbili, ay dinala niya ang salapi at inilagay sa paanan ng mga apostol.





Open BIBLE to beat devil




AMAZING GRACE BIBLE INSTITUTE